Nakakakilig talaga ang mga cute and kilig moments ng romantic dramas pero hindi na ako masyadong nakukuntento sa mga ganito lang. I also look forward the lover's quarrel. Why? Let's face the reality, mas madalas naman nag-aaway ang mag jowa, petty or deep, ng importante, nagkakaayos sila. Mas importante sa akin yun nagaaway, para ma-test ang relationship nila at I think, mas challenging ang pinagdadaanan. Kesa naman puro ka-cute-an lang ang nagaganap.
Ewan ko ba, mas may kagat kasi sa heart kapag nakikita kong nagaaway ang magjowa. But I want to make it clear. Verbally lang. Not physically. Ibang usapan na yun kapag ganun.
Medyo badtrip kasi ako ngayon kay Heartbeat. Di ko siya pinapansin since one week ago. Di man lang niya kasi ako kinakamusta after na i-cover ko siya sa triathlon niya at wala man lang pasalubong sa akin, samantalang yung buntis na katabi ko, meron siyang pasalubong. Tsk tsk tsk. Napansin ko naman na napansin niya rin na di ko siya kinakausap kaya kung ano-ano na lang sinasabi niya sa akin para maka chit chat ako.
Naalala ko tuloy si Pangs kapag ini-snob ko. Sobrang iwas lang siya na halos hindi na rin niya ako inaantay mag respond kapag magpapaalam siya. May time na siya naman ang nang-snob sa akin at naloka naman ako sa feelings ko. Tinamaan ako! Naapektuhan ako ng hindi niya pagpansin sa akin ng ilang araw! Ganun pala ang feeling. Ang awkward! Pero okay na ulit kami ni Pangs ngayon. Mga ilang araw ko rin yung pinagiisipan at dinala habang di bumabalik sa normal lahat.
Pero si Heartbeat ang problema ko. Naiinis ako at matutuwa lang ako sa kanya kapag tinupad niya yung promise niya na magde date kami at dapat, kami lang dalawa. Ayoko ng epal. Pero ngayon, aawayin ko muna siya.






0 comments:
Post a Comment