The Maharlikas

Sabi ng aking horoscope, para sa buwan ng March, kailangan ko daw na i-pursue ang mga short trips dahil ito daw ay makakabuti sa aking pagkatao. Two days lang naman itong trip sa Anawangin sa Zambales kasama na ang pagpunta sa islands ng Capones and Camara. So atin nang simulan ang kwento.

Day 1. Friday ng gabi, nagkita na kami nina ateng at sa baler na nila ako pansamantalang tumuloy dahil kinabukasan ng 3am ang meet up sa Edsa Crossings at malapit lang sa kanila ang pick up place. Pick up na talaga dahil yung isang grupo ay gustong magpa pick up sa Greenbelt. Ang original meeting place ay sa Emerald, pero dahil mas madami yung ibang grupo, sa Greenbelt na sila nagpa pick up. So, ang mami meet lang namin ay ang driver para kami ay pick up-in. Nagtataka naman ako sa grupong ito, North ang punta namin, pero sa kabilang dulo pa nagpasundo. At mukang maharlika sila, sa sosyalang lugar pa nagpa pick up.

Mga 2:30 am pa lang, tumulak na kami papuntang EDSA at saan pa ba kami magpapasundo kundi sa - McDo! Inagahan namin para makakain pa kahit papaano at makabili pa ng mga last minute groceries para naman hindi kami maging cause of delay ng biyahe. Yung isa pa naming kasama, si Chai, nanggaling pa sa Tayuman at dumating siya 15 minutes before 3am. So, lahat ng puedeng gawin bago mag 3am, nagawa na namin before 3am and we're so readyyyy to be pick up.

Ang tour lead pala ay taga Olongapo, so dun na lang siya pi-pick up-in. Ang driver, kasama ang van, siyempre, ay dumating ng 3:20. Kalurkey si kuya. LATE! Ayoko pa naman nang late, especially sa mga ganitong lakad. Very crucial ang time dahil kapag nalate, sira ang sked. At least hindi namin kasalanan kung bakit maaantala ang lakad.

So heto na. Yung isang grupo na ang susunduin. Tumulak na kami papuntang Makati at sa McDo Greenbelt din pala sila pipick-upin! We bet na sa McDo Olongapo rin ppipick upin si tour guide. So anyway, nung nandun na kami sa Mc Do Greenbelt, from the van, we saw the group na magiging kasama namin the entire tour. We so thought na magkakaron kami ng new friends. Hindi pala.

Pagparada pa lang ng van and they are like 5 steps away from it, they remained standing sa kanilang spot. Akala namin, lalapit na sila para pumasok at ilagay ang mga gamit. Bumaba ang driver magpakilala sa kanila at pagbalik ng driver, pinausad pa ng konti ang van sa kanilang pwesto at dun lang sila lumapit para ilagak ang kanilang gamit sa loob. May mabigat ba silang dala? Baka naman may isang sako ng bigas na dalahin kaya pina-abante pa ang sasakyan, Buong akala namin, paglapit ng sasakyan ay papasok na sila para matulak na kami para bumiyahe, yun pala ilalagay lang nila ang mga gamit nila sa loob sabay pasok sa loob ng McDo. Ano ba? Hindi ba sila sasabay sa amin at sa iba sila sasakay? Nilagak lang ang mga mabibigat na gamit sa loob eh ba't parang hindi naman mabibigat mga dala nila? May inaantay pa ba? Bakit hindi pa kami aalis? That's the time we asked the driver at sinabi sa amin na may isa pang inaantay na passenger at ngayon lang sila umorder ng pagkain. What an inconvenience! Ba't hindi nila ginawa kanina habang nag-aantayan? At hindi man lang kami sabihan, eh nag aantay kami? The nerds!

I so swear na yung isa kong kasama ay umuusok na ang ilong sa galit, pero tinurukan na namin siya ng Toffee Calma para hindi siya mang amok. At sa madaling salita, 10 minutes before 4am na kami nakaalis ng Makati. What the fuss!

Ang group na inorganize ng tour guide ay nahati sa 3 vans, isa yung sa amin at yung dalawang van ay mineet namin sa NLEX. Ang dalawang van na yun ay group rin ng mga hindi magkakakilala but was organized by another lead. Yun naman pala eh, hindi sila magkakakilala, but they are not pasaway! During the stop over, nakakwentuhan pa namin nang slight ang mga driver na magkaka officemates din at sideline nila ang mga ganitong trip to earn extra money!

See, we're not masungit and mataray and snobs. Nakikipag kwentuhan pa nga kami sa driver dahil what's is worst is to go to a boring trip lalo't mga may attitude pa ang mga kasama mo. Well, challenging na rin ito dahil we tried our best to single them out and to make them feel na they do not exist! Hahahaha! Ang sama di ba, but with those kind of attitude? Marami akong kilalang maharlika, pero hindi ganun umasta-asta. At marami pa silang kamangha-manghang kwento while in Anawangin. Akala namin mga estudyanteng mga pasosyal itong mga ito, eh mga young working adults na rin pala. Lima silang belat at dalawang malamyang mga lalake.

Kaloka! Wala pang tungkol sa Anawangin, pero mahaba na agad ito. At least nakapag rant na rin ako ng first part ng Day 1. Ano mga hitsura nila? Dalawa lang nakuhanan ko at nakatalikod pa. Kaloka ang mga hitad! Mga swim suit lang ang dala at walang pamalit! At ang camera nila ay .... cellphone? Well, may nakita naman akong may dala ng digicam, pero may nakita kaming nagkukuha gamit ang phone! Iniexpect ko naman na kung mayayaman sila dahil sa mga attitude nila, might as well na mamahalin na rin ang mga gamit nila, but na-ah! Mas maganda pa ang cellphone kong hotpink na Nokia C3 sa mga phone patch nila.



Hindi naman sa nagyayabang, pero ang yayabang ng mga asta nila. Lintek lang ang walang ganti. Kung inumpisahan nila kami, tatapusin na lang namin at the end of the tour.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

4 comments:

Anonymous said...

may part 2 pa ba ito? ang riveting ng storya!! hehe


-maharlikang mahadera 01 =)

Patay Malisha Barton said...

Josko, intriguing ba? Oo, may part 2 ito at titipain ko na mamaya-maya! Magbe break lang ako para kumain! Ahahaha!

-mahadera in the making

Anonymous said...

office ka?? chat tayiz


- rebecca black

Patay Malisha Barton said...

Naku teh, sorry now ko lang nabasa ito, anong petsa na? Naka online ako sa YM. Teka mag online ako sa MSN. Baler ako, muhahaha!

Post a Comment