San Fabian PTA Beach Resort




Here comes the fun! Finally, we're on our way to the beach, pero bago yun, ang dami naming stop over! Kailangan pa kasing mamalengke sa 7/11 ng mga lala at mga mamam. Patanghali na nun at medyo maalinsangan ang panahon. Bukod sa malagkit ang pakiramdan ko nun, amoy lollipop chocolate flavor ang buhok dahil habang sinusuway ko ang junakis ni Ma'm, may hawak pala siyang lollipop. Hala, kaya pala iyak ng iyak. Nawala yung lollipop niya at kinuha ng buhok ko. Hehe. Kaya pagdating namin sa beach, finally! Halo-halo na ang pagod at gutom, kaya pagka check in, lafang agad!



Ginetlak namin ang Guest Room na may Nipa Hut feeling. Yung Hotel Room na halos same price lang rin ng GR eh Tiles ang feeling dahil puro tiles ang wall at sahig. Sa Guest Room, carpeted at Nipa ang dingding. In fairview! Malinis ang room at malakas ang tubig.



Ang cute talaga kapag malayo, kasi kapag malapitan hindi na cute. Hehe. Malayo ang tubig sa pampang ng mga panahon na yun dahil low tide daw. Per ang lakas ng waves! Puedeng puede mag surf, pero wala namang nagse surf. At sobraaaaaaaaaaaang alat ng tubig! Para kaming daing na binuburo sa tubig nung hapon habang binubugbog kami ng waves! Ahahaha! OA?


Seashore.



The Waves.



Boats.



Mga Baka.



Ang Pool.

Nang pumatak ang gabi, hindi naman kalagim-lagim ang mga naganap. Ang tataas pa ng energy at ayaw pang matulog ng mga starlet. Kaya mula sa Name that Tune at Artist, nauwi kami sa Pinoy Henyo! I swear, so far, it's one of the best nights I had out of town. Hindi naman sumakit ang tiyan ko kakatawa, pero nag-e-expel ako ng gas in a very quiet way. So silent na walang naka-notice. (notice daw oh!) Hindi ako katulad ng isa naming kasama. Hindi ko na siya papangalanan, baka magalit! Dahil medyo nake-carried away siya sa pag flatulence, pero nagaabiso naman siya, yun nga lang, hindi ka na makakalayo kasi bigla rin siyang magpapakawala ng gas. Ahahahaha! Sobrang laugh trip talaga ng gabi! Dahil ako ay wala talagang alam sa mga lugar, pahulaan ba sa akin ang mga lugar sa bansa! Mahina talaga ako sa mga ganyan, kaya naman naiinis ako sa aming game master kapag tinotopak siya. Pero wala nang mas sasablay pa siguro sa isa naming kasama na itago natin sa ngalang 'Gero' dahil hindi niya alam ang hitsura ng gulay na Raddish.

Me: Gulay ba ito?

Gero: Oo.

Me: Kulay green ba itei?

Gero: OO.

Ngek! Kelan pa naging kulay green ang raddish? Yung dahon oo, pero yung labanos? Hmmm.

Isa pang classic. Ang pagkamalan na ang donkey ay kamaganak ng monkey. Bwahahaha! Kaya maraming violet reaction sa mga ganitong laro! Ahahaha! Ako rin naman muntik nang magripuhan sa tagiliran.

Isang nakakalokang revelation. Habang naglalaro, may napapansin ako sa aking ka tag team na si Gero. Ba't ganun ang kanyang body language? Kapag ang sasabihin niya ay 'hindi' sa aking mga hula, pumapadyak siya habang nakahawak sa kanyang pisngi! Kaya naman hindi ako maka-focus focus sa panghuhula dahil nadi-distract ako! Bwahahahahaha!




Us during the game. Di naman ako kapit na kapit sa aking partner, right? Ahahahahahahhahahahaha!







  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment