3rd Day.
Before we head home, sinulit namin ang pictorial at heto ang mga favorite kong pictures plus their captions.

Siyempre yung akin muna. Though there's no special about it at first look, pero sariling sikap ang kuhang ito. Naka-timer lang yan. Ang tatagal kasi ng mga kasama ko eh!

Napaka-gullible naman ng mga 'to no? Sabi ko kasi tumingin sila nang malayo at umakting si Gero na parang nagtutulak ng cart. Mga uto-uto! Ahahahahahahahah!

Alien VS Predator. Siyempre, si Gero ang Alien at ako ang Predator at ang mga bulag ang nasa tabi namin. Siyempre, ang cute ko dito. Ahahahahahahah!

Love Teams of the Year: Aljur Abrenica-Kris Bernal and John Lloyd Cruz-Bea Alonzo. Kung sino sila diyan, bahala na kayo mag match!

Ang babaeng hinugot sa kilikili. Talagang pinost ko pa eh no? Bwahahahahaha!

May isang super effort dito. As in binigay niya ang isang daang porsyento ng lakas niya samantalang yung mga kasama niya, 1% lang.

Kapag pinagmamasdan ko ang picture na ito, naaalala ko yung Shake, Rattle & Roll na ang kwento ay tungkol sa undin.

Hindi ko talaga maarok kung bakit si Ma'm eh gustong nakahiga ang posisyon sa loob ng tubo. Yung iba kasi nakadapa eh?

Mga unggoy na naman,mabababaw. Nakakita lang ng puno, galak na galak na.

Pangarap talaga ng dalawang ito na maging sexy star. Kuha ito sa movie na kanilang sinushoot. Inferness, may chemistry ha!

Kinukuhanan na ang scene ni Tonet na naliligo sa host at unti-unti siyang magtatanggal ng kanyang... shorts? Joke! Pero parang may chikinini siya sa tabi ng nips niya? Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.

And finally. Para siyang bunga nang pinya na tumubo sa mga dahon sa likod. Perfect!
It was a short and tiring day. Short dahil bitin, parang ayaw pa namin umuwi (may ganun) pero siyempre, ang iba sa kanila may josok pa kinabukasan (Monday) ngunit ako, bakasyon dahil off ko kaya natulog ako ng major, major!
Halos kalahating oras din kami nag waiting in vain ng bus paluwas ng Manila kaya naman naka idlip kami while on our way, inside the bus. Pero heto ang totoong chika. May isang lalake sa loob na sobrang pagoda yata dahil kakapanhik pa lang namin sa bus eh sleeping beauty na siya. Hindi naman siya mapapansin kung hindi sana siya malakas humilik. Nakakaloka! Parang nag triathlon siya buong araw at sa sobrang pagod, tinulog niya ang buong biyahe! Mas malakas pa sa tunog ng vacuum cleaner ang paghihilik niya. Kaya naman ang ibang mga pasahero ay nagpatugtog na ng mga jejemon theme na mga kanta at binuksan na rin ng konduktor ang TV para kahit papaano, matabunan nang tunog ang paghihilik.
Aba, pababa na kami sa may SM North, borlogs pa rin si kuya! Parang nasa bahay lang huh!






0 comments:
Post a Comment