Mas masarap maglaba sa gabi. Malamig. Hindi pressured. Yun nga lang, hindi agad matutuyo ang mga labada dahil gabi at meron pang bagyo. Super typhoon Juan.
Ewan ko ba, habang naglalaba eh naisip ko na ang hirap pala maging shuba. Kasi sale sa SM Megamall at naki-sale na rin ako. Nagbabakasakaling baka may ma baylamos ako. Marami akong nagustuhan. Kung ano ang problema ko dati ay yun din ang problema ngayon ko kapag namimili. WALANG MAGKASYA sa akin. Hindi naman lahat, pero halos lahat ng bet kong damit ay hindi magkakasya. Pabor rin yun para hindi masyadong mapagastos. Matagal ko nang problema ito at lagi ko na lang pinoproblema. Gusto ko lang naman maging masaya. (Mariel Mode)
Masisikip ang pants, hindi na ako makahinga o kaya natatanggal ang butones kapag matagal ng sinusuot. Ang mga blazers, jackets, tops na hindi magkasya ang sleeves o kaya naman hindi kasya sa may boobs part dahil ako ay isang gifted child.
Ayoko talaga ng malaki ang boobelyas dahil takaw pansin sa mga tao at ayokong pinaguusapan ang obvious na naman. Pangarap kong maging skinny at makapag suot ng skinny jeans, pero paano ako magmumukhang payat eh malalaki sila Petra at Lukresya (left and right) Ayan ha, ginaya ko si Chico. Kung ang kili-kili niya may pangalan, yung aking boobelyas ay may mga pangalan din.
Si Jennifer Hudson, payat na. Si Kelly Osbourne, fayatola na rin. Yung mga napanood ko sa video na mashushuba, pumayat na rin. Eh ba't ako hindi pa? At bakit ba wala pa ring nakakasagot ng tanong na "Bakit masarap kumain?"






0 comments:
Post a Comment