Kahit kelan hindi ko nagustuhan si Kokey. Yung unang labas ni Kokey sa movie, kasama si Carlo Aquino, hindi ko pinanood, kahit ipinalabas sa Star Cinema.
Last 2007, Kokey was made into a TV series and after 3 years, Kokey return at Kokey@Ako. Niresearch ko pa yan ha! Kahit nandun si ate Ruffa sa unang labas at pinagsuot ng daster, hindi ko pa rin pinanood. Hindi kasi cute si Kokey. Hindi ko pa bet ang kanyang boses, pero bet na bet siya ng mga bagets.
Kaya ko nakwento si Kokey dahil wala siyang connect dito sa entry ko.
Last October 2, nakaroon ng reunion kaming mga magkaka-classmates in HS. Halos iisa lang ang classmate ko ng HS na nakikita ko regularly, pero the rest of them eh ngayon na lang reunion. Yung isa sa amin, ang laki ng pinagbago niya. Hindi naman siya maitim dati, pero maputi na siya ngayon at ibang-iba talaga ang hitsura niya.
So bakit nga ba Kokey? Wala lang! Wala lang talaga ako maisip na title at kwento sa entry na to! Pramis, wala talaga!







0 comments:
Post a Comment