Baby Jojing




Last October 19, nadagdagan na naman ang aming ever-growing family. Meet Jojing, kapag lumaki, magiging Juding. Joke, joke joke!

Finally, lumabas na ang unico hijo ng paborito kong kapatid, (unless sundan pa nila). Medyo kahawig niya yung bagong labas si baby boy, walang ilong saka maitim. Hahaha! Pero medyo pumupusyaw na ngayong si Jojing saka ang laki ng mga mata huh!




Ang mga 'big' and 'small' sisters ni Jojing. Tuwang tuwa ang mga hitad. Lalo na yung second ate niya. Proud na proud sa kanyang title na 'Ate Yanna'. Lagi niyang sinasabi na 'Ate Yanna' na ang kanyang pangalan. Pero yun lang, maldita pa rin siya. Hehe.



Hala! Ano ito, pinabuhat na agad kay Kikay! Two weeks pa lang si baby boy!


Dahil sembreak ng last week ng October, nagbakasyon engrande sa amin ang dalawang bagets. Two weeks sila nandito sa buhay at simula sweldo, araw-araw kaming nag-splurge sa pag-lala! Kaya ng mga sumunod na araw, dinildil na asin ang aming hapunan. Hehe.

Nakakamiss sila, umalis na sila kagabi. Pagkauwing-pagkauwi, nakita ko itong picture sa profile ni Kikay. Mukhang miss na miss nila si baby boy.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment