The K-Pop Star and I





Title pa lang, lakas maka- The Princess and I. Siyempre, sinunggaban ko na nung makita ko pa lang yung word na "K-pop", pero pinagisipan ko muna ng mabuti kung bibilhin ko ba o hindi. Baka naman kasi ang corny ng story neto. Baka mainis lang ako at hindi ko tapusin.

Ang alam ko, heto yung mga na papublish na story at Wattpad. Kasama ng "Ang Diary ng Panget" at iba pang pang jejemon na love stories na print in to a book.

It's a love story about an ordinary working girl, Joy, na naging Personal Assistant ng isang K-Pop star na si "Sir" at kung paano sila na-inlove sa isa't-isa. Nakakainis lang, hindi man lang binanggit ang buong pangalan ni 'Sir' Kpop star at yun lang ang tawag sa kanya ng ating bida. Natutuwa ako sa author neto kasi funny siya. Ang dami kong tawa, lalo na dun sa mga naguumpisa pa lang ma-invade ng Kpop at wala pang kaalam-alam sa ibang terms, at least dito, nae-explain niya. Idol ko na si JP Adrian! More novels pa, please. I am a fan!

My rating for this book: 5 out of five star! Sobrang naaliw ako at napasaya neto. Sana, may part two! :)






  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment