Kudos sa screenplay writer/s, directors at sa lahat ng bumubuo ng Mara Clara. For almost a week, pinasabik nila ang mga viewers kung ano nga ba ang nangyari kay Mara. There came out the viral video of the wailing little girl because she thought Mara died. Ano nga bang sabik ang nakukuha natin sa panonood ng mga ganitong series? Kapag ginawa na itong suspense, but no thrilling at maraming possibilities ang maaaring i-consider kung ano na nangyari sa character. Kaya masarap gawing pulutan for discussion sa forums, sa chismisan at habang nagpapatay oras.
I, too, can't believe that Mara died. Among the rumors na lumabas ay kesyo gagawin niya ang Esperanza kaya kelangan niyang patayin sa serye at ang magiging solo title, na tatawaging Clara, Clara. Hahaha! Ang chismisan nga naman, ang sarap pag usapan.
Hindi ko napanood kagabi ang episode, but I caught up watching it online.
Last night, it was revealed how Mara was able to escape the doom of being blast alive. Yung eksena na yun ang pinakaaantay ng marami na hindi na muna sinama sa episode last week.
Kaya pala nakaligtas si Mara dahil tinulungan siya ni Nenita played by Jamilla Obispo na makatakas. I like the line she said "Piliin mo ang mga taong pagkakatiwalaan mo". She's good, buti she was given this kind of character and she played it good. I thought her voice is annoying, pero that voice is her asset.
Fate is not good for Nenita because she didn't escape the blast. What can we learn from here? Do not wear high heels on a slippery floor. Chos!
Mara was not spared from being hurt. She hit a stone on her forehead when she fell after she was shocked by the explosion. Corny nga nagka amnesia dahil nabagok siya, pero hindi naman pala. She's only pretending so that she can protect herself. Aba, nagmamataray na si Mara!
I have also my dosage of Pinoy series kahit madalas akong manood ng mga foreign series. Bukod sa MC and Mutya (which I truly love dahil superrr cute niya), pinagtyatiyagaan ko na rin panoorin ang MLKI. Sinandwich kasi eh! Kung hindi naman masyadong late, baka tapusin ko pa hanggang Bandila!
Ayon sa mga friends ko online, (yey, may friends na ako) may pagbabago raw na magaganap sa EBS on March 15. Hindi naman ako excited, pero minabuti ko nang i-blog para maalala ko kung paano din ako nagabang dito. Hmm, ano naman kaya ito? Iniisip ko dahil super dami ng series and remakes na ginagawa ng EBS ngayon, hindi kaya buong araw at magdamag magkakaroon ng mga teleserye? Kakaloka naman kung ganoon.






4 comments:
Grabe. Adik na adik ako sa Mara Clara! hahahaha!! Nakakatawa kase nag trend pa si Nenita sa twitter one night! =))
Basta ako, nung Tuesday pa lang, malakas na ang pananampalataya ko na nakay Christian si Mara. Si Utoy at si Christian ay iisa! HAHAHHAHAHAHAHA.
LOL @ IShna: natawa naman ako sa comment mo!
My gash,yan din ang trending topic sa opisina! Wahaha! Mga magulang ni Eris sina Jan Marini at Richard Kuan! Waheheh!
Gawin mo yung tinag ko sayo! Go! hahahahah!!
Post a Comment