I stopped updating my Project 365 for the meantime at Day 69 for no reason at all! Naisip ko lang na I should take a break kaya tumigil na muna ako. At dahil diyan, I'm slightly back log kaya umpisahan na.
Day 70, March 12: Baked Mac
Every year, dito sa aming balay nagce-celebrate ang tito ng kanyang happy birthday. Mahabang kwento kung bakit. It's very complicated. Taon-taon rin nagluluto ang nanay at tatay ko ng mga paborito niyang lala na puro pampulutan. It's been a while since my mother cook this dish kaya naman nasira ang kahangalan na ginagawa ko. Wahahaha! Nyarap!
Day 71, March 13: Childhood friends
Digicam is one of the best invention made dahil hindi mo na kelangan ng film para mai-develop ang mga pictures. In just several clicks, may picture ka na at kung hindi maganda, hindi masasayang ang film, just delete it at take another one again.
Ang maldita kong pamangkin ay may playmate at ito ay kuha sa bintana nila. How cute ng mga bagets. I'm sure they will treasure this picture kapag lumaki-laki na sila.
Day 72, March 14: Packed!
Kahit medyo mahirap kausap ang aming mga kausap at magulo talaga sila kausap, nararamdaman ko namang it is worth the hassle this coming weekend getaway. Kumpleto na ako sa toiletries. Nilagay ko na lang sa transparent na plastik para:
1. Hindi mabasa.
2. Madaling makita.
3. Wala kasi akong ibang lalagyan.
Bwehehe.
Next: Groceries!
Mabagal ang elevator sa opisina. Sa 8th floors na inaakyat nito, umaabot ng 5 - 10 minutes bago makapanik sa taas o makakaba sa baba (saan pa ba,) kaya naman hindi uso ang mga honda na pasok, or else, late ka na! Ewan ko ba kung ilang taon na itong mg elevator dito, baka puede naman sila mag retire! Marami na ang nabibiktima sa pagka trap ng elevator na ito and I was not spared.
Kaloka! Very unexpected, biglang namatay ang floor indicator habang nakasakay ako sa loob at kung nagkakataon nga naman, ako lang ang mag isa na nakasakay! Hindi naman ako matatarantahing tao, kaya ang una kong ginawa ay nagpaka hinahon at huminga ng malalim sabay pindot ng ring a bell. At ang sumunod na eksena ang kinaloka ko. Biglang bumulusok pababa ang elevator (sumakay ako from 6 floor) at my gash, ramdam ko ang pagbagsak! Naisip ko ang mga eksenang napanood ko sa mga movies na may bumubulusok na elevator! Nagpanic na ako sa pagkakataon na ito at napahawak ako sa handle. Pagkabulusok pababa, biglang namatay pa ang ilaw. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa multo na magpapakita sa loob ng elevator o sa eksenang baka makulong ako ng mga 48 years sa loob. Nang malapit na akong suminghot, biglang nagkailaw at naramdaman kong papanik na ang elevator. Kaloka, biglang bumukas sa 6th floor at nagmamadali akong lumabas. Akala ko, matutuluyan na ako. Akala ko, tinopak na naman ang elevator, yun pala nawalan ng kuryente for a moment.
KAKALOKA!
Day 74, March 16: Chinelas.
Hindi ko naman kailangan ng bagong pair ng chinelas dahil may isa pa akong spare na gagamitin para sa weekend. Ang huli kong bili ay last year na may tatak na Havaianas at nabili ko pa sa Tagaytay for only 120 pesos yata! Infairview, hanggang ngayon, matibay pa ang Havs ko kahit mumurahin lang and I promise myself that I will never, ever buy expensive chinelas. Sa isang pair at regular price, puede na akong bumili ng ilang chinelas or dalawang flat shoes. Uber mahal ang Havs for a chinelas.
Nalaman ko na may sale sa EBS ng Havs at ito ay 40% off. May tira-tira pa naman sa mga ini-OT ko last time. Bwahahahaha!
So there! Hindi naman pala mahirap ma-back log! At masarap ding mag one time, big time entry.







1 comments:
One time BIG TIME ka talaga KD! Puahahaha!!
Post a Comment