Ang ganda-ganda di ba? Sobrang high end ang cellphone na 'to, wifi enable, up to 2GB micro sd memory at 3G. Futang ina, may magkakainteres pa ba dito?
Habang I'm on my way pauwi ng home sweet home, sumakay ako ng jeep at hindi ko naman akalain na dudukutin na ang 'mamahalin' kong cellphone. Ang katabi ko sa kaliwa, estudyante. Yung isa kong katabi naman sa kanan, babae na maraming bitbit. Feeling ko yun yun eh. Masyado siyang maligalig katabi. Akala ko naman malikot lang siyang katabi, yun pala nilalaslas na niya ang bag ko para dukutin ang 'mamahalin' kong cellphone.
Dalawa ang cellphone ko, isang 1200 at isang 2700. Di hamak naman na mas maganda ang 2700 sa 1200, yung 'mamahalin' pa talaga ang ginetlak! Buti na lang, wala ng iba pang nawala.
Kung makikilala ko yung gumetlak ng phone ko, ang masasabi ko lang eh, IYONG-IYO na yan!
Hahahaha!







0 comments:
Post a Comment