
Nagkaroon na naman ako ng dahilan kung bakit kinakailangan na ako ay nasa bahay ng 5:30 ng hapon, except ng work days.
Ito ay sa bagong show ni Jerry Yan at Ella Chen na pinamagatang "Down With Love". Kaka-start pa lang palabasin ang series since last week at medyo hindi pa ako nakakasunod dahil medyo busy ako sa work. Totoo yan at hindi etchos na busy-busyhan lang dahil nag stay pa ako ng matagal sa opisina para mag render ng OT at kapag day off ko naman, nag rest day over time ako. Medyo kayod marino ako dahil hindi ko akalaing mawawalan pala ako ng 'mamahaling' cellphone at doon ko pala ilalaan ang aking over time pay. Matindi kasi ang pangangailangan ng aming opisina.
Anyway, going back sa kwento, napanood ko na almost half ng story online at medyo mahirap maghanap ng matinong videos na may English subtitles. Sa sobrang hirap, naputol ng ilang araw ang pagmamarathon ko at nag focus muna ako sa kaka overtime habang hinahanap ang may matinong English subs. Triny ko kasi na panoorin in hardcore Mandarin at napapaiyak ako kakainterpret kung ano ba ang sinasabi nila.
Nagustuhan ko kasi ang kwento dahil bagay na bagay sa kanila ang kanilang mga role. Masungit na Jerry Yan at tomboyish ulit na Ella ang makikita dito. Nabuhay tuloy ang dugo ko during Meteor Garden days at Hana Kimi moments.
Nang mapanood ko ang trailer sa channel 2, di na ako nagsayang pa ng oras, Super research mode ako for pictures and news about them. At heto lang naman ang mga pictures na nakita ko.





Promo yan ng series nila, pero kahit hindi naman sila mag holding hands, wrong? Ayun sa mga chismis sa Taiwan, pinaghihinalaan na silang dalawa dahil sa sobrang close nila. At si Jerry, inattenand lahat ng promotion ng series nila kahit hectic ang sked niya na hindi niya ginagawa usually. Di ba, updated din sa mga chismax sa Taiwan? Hahaha!






0 comments:
Post a Comment