Our Lady of Manaoag

2nd Day.

Pasensiya na at medyo natagalan ang second installment. Kinda medyo slight busy lang kaya lagi kong nakakalimutan na meron na pala akong kailangan i-update.

So hayun na nga! Alas medya na kami nakatulog nung gabi, pero anong petsa pa lang eh gising na kami. :-$ (<-- ang cute talaga niyang icon na yan. pagamit, Gero!) Hindi na rin naman ako makatulog kahit inaantok pa ako kaya bumangon na rin ako para magbanat ng buto. Ang aming itinerary for that day at Manaoag at sa tanghali, mag check in sa San Fabian. At dahil magsu swimming naman kami ng tanghali, hindi na ako naligo. Hindi naman sa takot ako sa tubig, pero kung hindi naman kinakailangang maligo, hindi na muna ako maliligo. Hindi naman sa sayang ang tubig, pero nasasayangan ako sa mag effort na magpalit ng damit (palusot pa) Pero yun na nga. Nagpalit lang ako damit. On our way to Manaoag, medyo nanggigitata na ako. Hehehe.



I was so overwhelmed when we reach Manaoag. From Urdaneta, isang tricycle lang at nandun na kami. Siyempre, hindi ko na natandaan kung ano mga dinaanan dahil mahina ang memory ko pagdating sa mga lugar.It's my first time to be there, but the feeling is something else. Ba't parang nakarating na ako dun dati pa? Parang nakita ko na yun dati at naaalala ko ang lugar na yun. Pero siyempre, it was my first time kaya nananaginip lang ako habang inaalala lang yang mga yan.

Eversince na nagkamalay ako, minulat ako ng aking ina na ang Mother Mary namin ay Manaoag. May malaking picture ng Manaoag sa aming baler na may mga nakasabit na Rosary. Kaya naman medyo nagcrayola 8 colors ako pagpasok ko. Tamang-tama, mayroong misa na magaganap at mayroong pang kinakasal! Kahit mga ganung petsa at panahon, ang dami pa rin tao. Napuno ang chapel.



This is the Manaoag which was carved on a tree trunk. Ang shala no.

After ng misa, nakipila kami sa mahabang qeue ng tao para mahawakan ang Manaoag. Habang papalapit ng papalapit, nakita namin yung mga tao sa unahan namin na nagsusulat ng petition sa isang papel at hinuhulog sa isang drop box. Ang mga tao talaga, gaya-gaya (ayan, hindi lang Pinoy, huh) siyempre, nakisulat kami ng aming petition. Pero di ko na sasabihin kung ano yun, nakakahiya siyempre. Ahahaha!

So habang papalapit, nagpeprepare na ako ng prayer ko. Heto seryoso naman. Hindi ako nag wish ng mga panahon na yun. Nag thank you ako sa lahat ng blessings na natatanggap ko kahat ako'y nanalangin. Kaya short lang ang aking prayer at para makapanalangin na rin ang mga susunod.

Paglabas sa likod ng chapel, lalagusan ang isang store na puro rosaries, statues, pamphlets, crosses at kung ano-ano pa. Wala naman akong binili, pero nag kuha na lang ako ng picture.



Rosaries.




Agua Bendita.

Sa labas ng chapel, may area para sa mga gustong magtirik ng kandila. May nagtitinda ng kandila sa gilid sa halangang 6pesos yata. Nakalimutan ko na.






Alam niyo ba? Kaya tinawag na Manaoag ang Our Lady of Manaoag ay dahil sa "Dimad Apo Ya Mantatawag." Ito ay isinalin sa salitang English na ang ibig sabihin at "From the Lady Who Calls." (Kuya Kim Mode)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment