Sept 17, 2010
(1st Night)
(Ateng: Pagamit naman ng title. :) )
Dahil wala na akong kaibigan, nagpapasalamat ako sa mga Sexy Starlets sa Pangasinan dahil sa pagkupkop nila sa akin. Nang ipahayag ko ang aking interes sa pagsama sa punong mahistrado, agad nitong ipinaalam sa mga miyembro ng hurado at sila'y nagkasundo sa iisang desisyon - kasama ako sa kondisyong ako ang magbubuhat ng kanilang mga bagahe! Yehey!
Joke lang siyempre!
Umalis kami ng Friday night, mga 10 na ng gabi dahil alam niyo naman tayong mga Pinoy, laging maaga! Ehehehe.

Siya ang aking idol. Itago na lang natin siya sa nemsung na 'Gero'. Aba, ang hitad. Anong petsa na dumating at hindi pa kumakain. Past dinner time na. Siyempre, medyo nagagahol na sa oras at kelangang by 10:00pm, bumabiyahe na kami. Sa sobrang gutom ni becky, bumaylamos na siya ng combo meal sa Jollibee at nakuha pang mag take out ng 2 slices ng pizza sa Pizza Hut. Naawa siya sa akin ng makita niyang takam na takam ako habang nilalantakan niya ang isang slice ng pizza kaya, ginive-love niya na ang isang slice sa akin. How sweet, how Goldilocks!

Heto nga pala ang aspiring sexy star na itago na lang natin sa ngalang Tonet. Bakit sexy star? Malalaman niyo sa susunod na kabanata. Siya ang pinaka late na dumating, pero dahil naman gwaping siya saka siya ang dating 'ehem', itinatangi ni Punong Mahistrado, pinagbigyan na lang namin siya. Dahil pagoda cold wave lotion na siya at hindi pa rin nag di-dinner, ginive love ko na sa kanya ang slice ng pizza na binigay sa akin ni idol! Nakita ko sa mga mata ni idol na medyo nag jelly ace siya, kasi naunahan ko siyang pumorma kay Tonet. Duh! Ang kupad-kupad kasi eh! Mwahahahahahahaha!

Siya naman si, hmmm, itago na lang din natin siya sa pangalang 'Principal'. Why? Ang strict kasi ni Ma'm! Nag games kami nung second night sa Pangasinan, bawal magreklamo, kundi, papahirapan niya ang mga papahulaan! Grabe namang pahirap yun. Pero hindi siya natulog hangga't di kami uma-arrive nang kami na ay patulak papunta na sa kanila. Mga halos 1:00am na kami nakadating.
Sa terminal ng Partas Bus Line, habang nag aantay bago kami lumulan (lumulan talaga?) ng bus, may cute na babaeng bagets ang nakaupo sa harapan namin. Sina Gero at Tonet ay malugod na lumalafang ng Jollibee meal dahil sobrang patay-gutom sila. Yung isa, spaghetti and chicken ang meal (sosyal) kaya naman yung bagets eh nakatanghod sa kanila. Dahil sa sobrang cute ni bagets, inalok namin siya na lumala, pero ayaw niya. Ayaw niya pala nung spaghetti, kasi hindi niya mate-take out. Pero yung mga dala namin chocolates na Silver Crunch saka Cloud 9 yata nun, pinatos niya.
Nag ma-take out niya ang goodies, lumapit na sa kanya ang isang girl (madir niya yata yun) di ako sure. Di niya kasing tinawag na 'mother!'. Kinuwestyon tuloy siya kung kaynino daw galing ang mga chocolates na hawak niya at narinig naman namin na sinabi ni bagets na galing daw sa friend niya. Awwwww. Buti pa siya, tinuturing niya akong friend. Medyo napaluha naman ako dun. *sniff* Bawal pala kay bagets ang matatamis! Masisira daw ang ngipin. Ahahahaha! Sorry naman, na-cute-an kami sa kanya, weh.
Itutuloy....






0 comments:
Post a Comment