Day 84, March 24: Catch me, I'm Inlove ..
O sige na nga, I stand corrected. Ang title ay Catch me, I'm Inlove at hindi Catch Me, I'm falling katulad ng song. Aminin ko na, closet fan ako ni ate Sarah pero ang dahilan talaga kung bakit ko ito pinanood ay dahil kay Gerald. Sino ba naman ang hindi mae-enganyo, eh trailer pa lang nakakakilig na. Pero sabi nga nila na looks can be deceiving.
Kanina, sinilip na namin ni Ateng ang movie dahil isa siyang closet Kimerald fan. For an hour and 30 minutes yata ang tinakbo ng movie, at ang masasabi ko lang ay, yun na yun? Nakulangan ako. Parang there's something missing. Si Sarah parang hindi naman umaarte, parang natural na natural. Kung paano siya magsalita kapag ini-interview at nagho host sa ASAP ay ganung-ganun din sa movie. At mapapansin naman na mukhang tatamaan siya kay Papa G sa movie na ito. Gash, kung hindi kay Gerald, this movie is nothing, chos! Pero, pagkatapos ko panoorin, parang gusto ko tuloy magkaron ng bf. Parang yung katulad ni Gerald. Ang sarap niya tumitig. Ang swerte ni Sarah. Ang swerte ni Kim. Hahaha!
Suportahan niyo, please!







0 comments:
Post a Comment