Day 83, March 23: Ang haba naman ng hair ko!
Kung sinuswerte nga naman, dalawa silang nagkakandarapa ngayon sa akin. Yung isa, si kuya sa entry ko na Arrte Mo, Ogag, lumipat lang ako ng station, namiss na niya ako at kinuwestyon niya kung bakit ako lumipat. Bakit, wala ba akong karapatang lumipat ng pwesto? Bwihihihihihi. Eh dapat kasi one seat apart kami, kaya lang lumipat ako kaya I am so malayo from him. Lumipat lang naman ako kasi, ayokong katabi sila ni Pat. Baka maguluhan ako.
At yung pangalawa, si Pat, pagdating na pagdating, ang bungad sa akin "Babe, salamat sa snack box". Kasi kahapon, nakantyawan ako mag KFC Double Down, pero hati-hati naman dun kami at ang bilin ni kuya ay Krushers. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa available dahil pinapalamig pa . Heto namang KFC, alam na mainit ang panahon, di pa pinalamig kagabi pa. So, baka kasi hindi na namin mauto kapag nag synchronize lunch kaming magkukumare, kailangan ng alternative. Baka umiyak kapag walang pasalubong. Kaya, ayan. At super explain daw ako.
At kung tatanungin ako kung kaynino ako mas kinilig? Dun sa umpisa eh. Nagpapaalam. Chos.







0 comments:
Post a Comment