Na-surprise!


Sobrang busy-busyhan ko naman with the Christmas rush, masyado akong nagpapaabala, nakakalimutan ko nang mag-blog everyday! Kanina, bumili ako nang regalo para sa aming exchange gift bukas at hindi ko inakalang mawawalan ako nang pera! 1 kyawsand pa naman yung nawala, kasama yung susi ko sa gate, magpapagawa pa ako tuloy nang susi. Wala pa naman akong dalang bag at wala akong bulsa kaya nakalagay lahat nang pera ko sa coin purse! Huhuhuhu! Kung kelan naman ako nagtitipid, dun pa ako mawawalan nang pera!


Well, moving forward na naman ako, pero sobrang fresh pa nang pagkakawala nang kaperahan kaya nagbabalik-tanaw pa rin ako at the same time! Hindi ako makapaniwala na nawalan ako, kasi, medyo lang naman, medyo maingat ako sa mga gamit at sa mga kaperahan kaya hindi ko napapatawad ang sarili ko kapag may nawawala ako! Pero chillax lang naman ako ngaun.

Last Dec 13, night. Sobrang pinaplano na ang maiitim na balak na i-surprise si Tin for her birthday. Kahit kulang sa tulog dahil galing ako sa concert the other night (Bro, Ikaw Ang Star Ng Pasko at Araneta), buong giliw pa rin akong sumama sa surprise greeting.

At para namang naayon sa takbo nang mga bituin sa kalangitan, balak pala magbigay nang kanyang jowa nang isang promise ring! Hindi daw nila kasi bet ang engagement ring at kung anong proposal, so super chill lang sila at parang normal lang na pagusapan ang tungkol sa kanilang wedding nang wala nang mga kiyeme-kiyeme.

So to make the story short, heto na ang eksenang naganap nung gabi!


Parang tanga lang no? Hahahahahha! Pero kinikilig ako kapag napapanood ko 'to!

Sana, patawarin ako ni Tin sa pag-post ko nang video nila. Hehehehe.



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

Anonymous said...

LECHE KA! HINDI KITA MAPAPATAWAD! HAHAHAHAHAHAAHAH.

Post a Comment