Kaya pala akong Single!

Reposting from PEX.
____________________________________________________________________

1) MASYADONG INDEPENDENT - Baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaroon sila ng silbi.

2) MATAAS ANG STANDARDS - Siguro hindi na natanggal sa isip mo yung pangarap mo nung bata ka pa. Aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy.

3) UBOD KA NG KASUNGITAN - Maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao, tapos liligawan pa?

4) NAGKUKULONG SA BAHAY - Walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. DAIG MO PA ANG MGA PRESO sa BILIBID na NAKA-BARTOLINA.

5) MASYADONG MAGALING - Medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila.

6) SOBRANG BUSY - Alam mo ba yung kantang ‘Narda’? Ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.

7) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - May kasabihan nga, “how can you look forward when you keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo.

8) MASYADONG-MASYADO!! - Masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. Minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo.

9) TOO MANY BOYS - Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo.

10) ONE OF THE BOYS - Ayan, isa pang problema ng mga girl. Kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other girls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy.

11) STRICT ANG PARENTS - Uhm, may two words kami dyan: GOOD LUCK!

12) DESTINY ADDICT - Ito yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates” or whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man ‘yung talagang para sa kanya ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan– Wow! Parang "Serendipity".

13) WRONG TIME - Eto naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya
masyado na silang matanda.

14) TRAUMA - Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang status message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww… pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka matapang na magventure into some love quest.

15) AYAW - Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka ayaw kasi sa’yo nung gusto mo and that’s the shittiest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa’yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun.

____________________________________________________________________

Kaya naman pala ang tagal-tagal ko nang single, taglay ko lahat nang qualities na yan! Ang dami ko palang babaguhin sa sarili ko. . .

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment