Dahil sa lubos na kalandian nung mga nakaraang araw eh, ayan, may grasyang dumating. Edi heto na nga, may nagrereto na naman. Wala namang sigurong masama, pero hindi ko kilala yung magrereto at hindi rin niya ako kilala personally. So madaling sabi, nagkakilala kami online.
Belat siya. At sabi niya, yung pinsan niya ang irereto niya sa akin. Ang description niya eh 'Muy guapito at merong trabaho.' Kakaloka di ba, parang Spanish Sardines lang.
Ginetlak na ni Ate yung info ko, pati FB. So kahit medyo, medyo lang naman na ayoko, eh binigay ko na. Aysus, parang yun lang naman eh.
Nung nagka-chat kami sa FB, ayaw niya pang ibigay kahit ang name ni cousin bear. Ipapa-Feng Shui pa daw niya ako at kung pasok ako sa banga kay cousin bear. Hala, may ganun? O di sige, chill pill lang naman ako.
But you know, curiosity killed the cat. And it did! So ayon sa aking masusing imbestigasyon, heto ang hitsura nang kanyang cousin bear.
![]() |
May boylet kasi siyang kasama sa prime pic niya. So akala ko naman, si bf yun. Eh may nakita akong album niya na kasama niya ang jowa niya, so hindi si kuya yun. Makapareho sila nang surname, so puedeng shupatid niyang effect o baka siya na nga si cousin bear! Effective ha!
![]() |
![]() |
But wait, wait, wait lang! Ano itong nakita kong picture with gf? Akala ko ba single siya?
O baka naman nagkakamali ako 'no?
So as of 4:17pm (talagang recorded) confirmed na siya na nga kasi sinabi na sa akin ni ate at puedeng-puede ko na daw siya i-add. Nakakaloka naman! Tinanong ko na rin siya kung na pungsuyan na ba ako nang pinsan niya at sinagot naman niya nang 'yes' ang tanong ko. So talagang may ganun pa?
Hindi na rin naman ako nakatiis at tinanong ko kung jowa ba ni cousin bear ang nasa pica. Siya ngang tunay! Sabi niya, break na daw sila ni cousin, kaya nagpapahanap nang marereto na bebot. Nakakaloka ito! Jackpot naman 'tong si Kuya kung nagkataon!









2 comments:
ang landi-landi mo naman! getlakin mo na ang number nyan at itiksmit mo na...
Weh? Hindi nga nagrereply sa PM ko, kakainis! Ahahaha!
Post a Comment