Ilang beses na rin naman na naging laman nang mga blind items itong si Sunshine dahil sa biglaan niyang pag back out sa teleserye nila ni Iza. Remember, this is not the first time she did it. Sobrang nagtataka lang ako, eh kung makapag back out ang lola mo, parang siya ang may ari nang network na kapag gusto niyang bumalik, tatanggapin parin siya with arms wide open.
Nabasa ko nga na ang sabi niya kung bakit she took a break from her career eh masyado na siya na stress. Sabi niya pa, "I can go back naman po anytime I want to ..." Naku, yun naman pala eh, kaya namimihasa si ate. Kasi pinagbibigyan. Sino ba ang mga katulad niyang bigla na lang nag-run away nang mga walang paalam at iniiwang nakatiwangwang ang trabaho? Eh yung iba ngang artista halos magkandarapa kakahingi nang project, heto naman 'tong mga to may biyaya na nga tatanggi pa. At masyado daw akong apektado? Hahaha!
Marami pa rin akong nabasa na kesyo nagbreak sila nang jowa niya kaya sobrang dinamdam nang bakla kaya nag resign from work. May mga nagsasabi na lulong na daw siya kaya kung ano-ano ang pinaggagawa niya. Minsan, hindi na daw siya mahagilap nang mother niya dahil hindi na rin umuuwi sa kanila.
Hala, marami pa akong nabasa tungkol sa mga pangarap niya, na nung bagong bili yung bahay nila eh excited siya na mag manage at balak niya pa na tumakbo sa pulitika. Nakakaloka, updated pala ako sa buhay niya.
Nung mga huling naisulat na balita sa kanya, sinasabi nang mom niya na wala pa siyang jowa, sabay ngaun nagpakasal na ang bakla? Masyado namang biglaan. Oh wala lang akong alam? (as if naman na karapatan kong malaman)
Pero ano itong nabasa ko sa comments page? Sinisiraan agad yung jowa niya?
What I can say that what she did is a wrong move as fas as her life is concern. If she has gotten tired of her life and she wants to settle down and have her own family, hindi naman sagot ang pagpapakasal. Sa dami nang kinakasal na hindi nagiging successful ang relationship, it's better to test the waters first before entering in to such that you will regret in the end. Puede namang hindi magmadali, di ba?
Hay buhay talaga. Kaya ayoko mag enter sa isang relationship, kasi in the end, magkakasakitan kayo. Charing!






0 comments:
Post a Comment