Since January of this year, nag promise ako sa sarili ko na dapat, pumayat na ako ngaung taon na 'to kasi hindi pa ngaun, eh kelan pa? Aba, hindi na naman ako bumabata pa. So, nabuo ang aking munting pangarap.
Sa simula, nagpaumpisa sa diet-diet. Sinunod ko pa ang South Beach Diet. With a little amount of exercise, you can shed a lot of pounds with SBD. No rice. No sugars. Grabe, ang hirap, but I manage to control now my rice intake. Kapag naumpisahan na naman na pasweet lang ang pagkain nang rice, eh unti-unti rin natanggap nang katawan ko na madami na akong carbo na kelangan i-burn, wala nang room for another. Charing!
Sa simula din, nag jogging muna ako nang isang lapse lang sa Circle. Siyempre, napagod na ako nang bongga dun. Hanggang sa inintroduce na sa akin ni mother ang Aerobics Forever every other day. Nandiyan din ang Taebo every other day kapag hindi available ang Aerobics Forever. Ano pa bang hahanapin ko, eh all in one na ang mga pampapayat?
Ang problema ko lang eh hindi ko magawa everyday, all day dahil every day off from work lang ako nakakapag workout dahil nakakapagoda cold wave lotion sa tulad kong more than 70 kilos ang timbang. I don't want to do work out pagkatapos nang office work dahil hindi naman kaya nang katawang lupa ko ang magpakapa pagod pagkatapos umupo maghapon sa opisina. Ang dami-dami kong dahilan, at dahil diyan, wala tuloy akong napapala.
Sa mga panahon na gusto ko nang tigilan ang feeling ko na walang pag asang pangarap na 'to, para namang may ginagawa si God na mga dahilan para ipagpatuloy ko. Siguro sabi niya, hanapan niya ako nang inspirasyon para naman maging determine ako.
Sino ba naman ang hindi ma i-inspired dito?
Before.

After.

Grabe! Ang payat na niya. Ano kaya ang ginagawa ko habang nagpapapayat siya? Nakakainggit di ba? At may junak na siya nang mga panahon na yan. Paano naman ako? Dalagang-dalaga, walang labis at walang kulang? Ah, kelangan ko nang matulog para sa jogging forever bukas...






0 comments:
Post a Comment