Pabalik na ako nang office from Trinoma nang makita kong nakatingin sa langit ang mga tao, labas ang kanilang mga cellphone na parang may kinukuhanan. Akala ko naman, may nakita silang UFO, yun pala na-witness nila ang Lunar Occultation - (noseblood) when the crescent Moon was poised directly between Venus and the Earth.
Dahil sobrang ganda nang camera ko, heto ang na-produced kong picture, may kasama pang nginig factor yan.
Pero may mga nag-Allen mode nung gabi at na-post sa kanilang mga FB accounts, kaya naman buong giliw na akong nakigrab. Maraming salamat sa magandang loob na nagpost nito. Ang shala!
![]() |
Kamukha lang nung mga hikaw ko nung maliit pa lang ako saka yung flag nang mga Muslim, pero ang ganda ha! Di ko maalala na nana-witness ko 'to noong 2007, pero mawi-witness daw ulit natin ito on June 30,2011. (hanep sa research) Akala ko pa nga, star yung nasa taas nang moon, kasi ang liit-liit lang.
Dahil sobrang nakakagutom ang mag-star and moon gazing, minabuti na lang namin kumain sa tabing carinderia cum bar.
Nakakamiss ang sisig! Masarap pa rin, di masyadong maalat.







0 comments:
Post a Comment