Dahil sa matinding craving na hindi puedeng ipagwalang bahala, meaning, sobrang pagka-patay gutom, aming iniexplore ang lugar nang UP upang lumaps nang bongga bongga sa infamous na ihawan nang mga dirty food.
Aming binaybay ang UP Chapel at doon namin natuklasan ang mga nagtitinda nang mga inihaw na isaw at prinitong fishbols. Ang isang stick nila nang isaw ay nagkakahalaga nang tumataginting na dalawang piso. Meron din ibang mga ibang ihaw-ihaw katulad nang isaw na baboy, tenga, bbq at kung anek-anek pa, pero dahil sa isaw ang sinisigaw nang bituka ko, doon lang ako nag-focus.
Appetizing, right? Mukhang nung isang taon pa nilunod yung mga iniihaw sa kumunoy nang ketchup kaya medyo madugo na ang kanilang kulay. Pero infernez talaga, mas patok at madaling ibenta ang mga pektos kung mura ang halaga. Ang pinaka importante, eh masarap ang mga tinda. Yung iba ngang mga kasabayan namin, 50 pesos na worth nang isaw ang binabaylamos. Ewan ko na lang kung di pa sila tubuan nang isaw sa tiyan nun.
On the left side of the ihawan, ay ang tindahan nang mga fishbols, chickenbols, squidbols, kikiam at qwek-qwek. Medyo hindi ko bet mag fishbols, kaya hindi ko na try, pero ayun sa aking kasama na nag-try eh very crunchy daw. Ita-try ko na lang sa aming next food trip.
Pagkatapos lumaps nang mga 'dirty' food, siyempre, desert naman ang kasunod! May nagtitinda nang isa pang 'dirty' food sa gitna na puede nang desert - walang iba kundi ang 'dirty ice cream'. Pero siyempre, medyo dirty na rin kami sa alikabok at usok, kaya napagpasiyahan namin na pumunta na lang sa isang sosyalang lugar kung saan may nagtitinda nang cake na aming kakainin namin for desert. Sowsyal!
Ito'y walang iba kundi ang Chocolate Kiss Cafe sa bahay nang alumni.
Aside from their cakes and pastries specialties, they are also serving other food like soups, salads, pasta, kanin at ulam! Hahaha. Pero cake talaga ang pinunta namin dito dahil to die for talaga.
Devil's Food Cake (Photo: from thechocolatekiss.com)

So far, heto ang yummy na cake na natikman ko. Imagine, marshmallow frosting ang outer covering at chocolate cake ang loob. Sarap! Natutunaw pa ang mallows habang nilalaps.

Classic Chocolate Cake
Ang laki nang serving nang isang slice nito! Kahit ma-cake akong tao, hindi ko mauubos ang isang slice nito sa sobrang laki!
Dahil medyo late na kami nag-desert at nagkaubusan na nang mga cake na ise-serve, heto na lang ang inorder ko - Cinnamon Cheesecake - Cinnamon sa baba, Cheesecake ang gitna! Maliit lang ang slice nito compared sa Classic Choco Cake kaya naman mga dalawang kainan lang, ubos ko na.
Di pa namin masyado na-conquer ang UP kaya babalik kami neks wik! Ire-ready ko na ang tiyan ko!






0 comments:
Post a Comment