Masyadong late na naman para mailabas ang aking saloobin sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy, pero mabuti nang meron kesa wala.
I really like that it was delivered on the vernacular language - mas madaming mamayan ang makakaintindi at wala akong nakitang hinihikab at inaantok habang nagdedeliver nang speech si PNoy. At kelan pa ako naging makabayan since wala naman akong masyadong pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Well, as much as possible, I try to update myself with the latest news and current affairs dahil dumating ako sa punto na nagkakagulo na pala ang Pilipinas at may nagaganap na pag-aalsa at wala man lang akong ka-idi-idea dahil sa wala akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. How pathetic I am. Dito ako nakatira sa Pinas, pero kapag tinanong ako sa mga latest news, wala akong kaalam-alam.
I've watched the videos online and buti na lang PEP came up with the full transcript of the SONA for easy access at mas maiintindihan kung babasahin dahil mahihimay-himay ang mga punto.
Hindi ko man siya binoto as my President, pero buong puso kong sinusuportahan ang kanyang mga adhikain sa laban sa korupsyon at mga panggugulang sa kapwa.
Katulad na lamang nang mga kaganapan kahapon sa isang ahensiya nang pamahalaan. Ako'y buong lugod na pumila at matiyagang inaantay ang aking turn nang may biglang sumingit. Ang lakas niya sa kinauukulan, dahil sa isang request niya lang, naasikaso siya agad. Palibhasa, kakilala niya, samantalang kaming mga ordinaryong mamamayan na walang kakilala sa loob eh matiyagang nagaantay.
Puede naman akong magpaka bitchesa nang mga oras na yun pero mas pinili ko na lang na maging panatag dahil it's not worth it. Saka simple lang naman ang pakay ko dun. Mga tao talaga, kelan matututo?






0 comments:
Post a Comment