Inception

Woohoo! Yes! Sa wakas, napanood ko din kanina. Matagal ko nang pinapangarap na panoorin ito dahil alam ko, hindi ko rin maiintindihan ito kahit mag-pretend ako na nage-getching ko ang plot nang movie. Kinundisyon kong mabuti ang sarili ko na simula pa lang nang movie eh nananaginip na sila. Nakatulong kahit papaano, pero hindi pa rin masyado.

Ano nga ba ang Inception? Ayon sa Google Translator from English to Filipino (mabuti na tagalog para madaling intindihin), ang katumbas ay:

pagsisimula

Dictionary: noun
umpisa
pagsisimula
simula
pag-uumpisa

Hala! Lalo tuloy akong naguluhan! Ba't ganun ang title? Puro ba pagsisimula nang panaginip? Eh ang naintindihan ko lang eh they are dreaming within a dream and in a dream of a dream and in a dream ... Hindi ko alam kung pati ending eh panaginip na lang din kasi kahit pinipilit kong intindihin, hindi ko talaga maintindihan.

Well, title pa lang, hindi ko na makonek sa movie. Pero feeling ko, panaginip lang ang lahat. At parang mas trip ko ang trip nang wife ni Leo - na gumising sa katotohanan na sila ay isang projection lang nang mapaglarong imahinasyon. Medyo hindi ko pa naiintindihan yung ibang mga sinasabi nang ibang characters because of the language barrier. May mga accent! Ano ba yan, pahirap talaga yung screen/scriptwriter nito no.

But I'm pretty sure na may part two ang movie na itilda kasi nakakabitin ang ending. Give away na ang ending, parang and Leo live happily ever other, but, hindi pa tapos ang story. Ano na nangyari sa kanila pagkatapos nila gawin yung trabaho nila?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment