Tooney and Chzipo

When you finally see the people you only see through pictures and knew through stories told by someone, it feels so bizarre or dreamlike. Parang nakakita ako ng multo. Hindi pala multo, kasi hindi naman ako natakot. Artista. Na-star struck ako at medyo na freeze ang mundo ko ng 5 seconds.

My sister did a part time job sa isang learning center na nakalimutan ko na ang pangalan. Dahil isip bata, mahilig siya sa bata kaya nagustuhan niya ang work, pero nag resign din siya due to persistent demand ng aming isang kapatid. Kung bakit, ibang chika na yun..

So heto na ang chika. Habang namimili ako ng mga tsitsirya sa suking grocery store na Hi-Top, para akong na starstruck ng makita ko ang dalawang bata na sa pictures at video ko pa lang nakikita. .

Presenting Tooney.



Si Tooney, according to my sister ay typical shy type girl. Maganda at kulot-kulot ang kanyang hair. Nung nakita ko siya, pa-sweet nga lang siya sa isang side habang namimili ng mga ilalagay sa kanyang mini-cart. Pareho silang kapatid na may tulak-tulak na mini-cart. She's a total opposite of her brother

Chzipo



Grabeeee! Ang hirap ng spelling ng name! Lagi kong nakakalimutan! i Papalit-palit ako ng tabs ng blogspot at fezbuk ng shupatid ko para siguraduhing tama ang spelling ng pangalan n Chzipo.

Habang hinahanap ko yung chichirya section sa grocery, may narinig akong maingay na bata na may-British accent. Siyempre, nilingon ko ang salarin at nagulat ako ng tumambad sa akin ang magkapatid na itei! Hangkukyut nila sa totoong buhay at gusto ko silang pagkukurut-kurutin.

Lalapitan ko na sana sila ng biglang nagsalita ang kanilang Mom na, "Chzipo! Step aside, somebody will pass!" Si Mommy, Pinay, pero mestisahin. Kasama rin nila si Grandma, mukhang mas matanda dun sa isang girl, so I assumed na si Grandma yun. Wala na akong nakitang iba. Si Daddy for sure ang may kagagawan nang accent ng mg bagets. Sabi ng shupatid ko, German ang daddy nila. Magpapakilala sana ako, kaya lang, baka mapagkamalan akong kidnapper ng mga cute na bata... Mahirap na...

Kaya ng dumaan ako sa harapan nila Chzipo at Tooney, nag-smile na lang ako ng mala-Karylle. Kahit papaano, nagkaron kami ng connection.

Ang kyut naman magkaron ng anak na may mestisahin na lahi. Maraming papaiyakin itong dalawang batang 'to paglaki nila..

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment