August 11, 2010, MOA
Nakakamiss ang mga dati kong ka-opisina sa Kassel na ang lokasyon ay sa Taft, Manila. Malapit dun ang pinagyarihan ng pag-sabog kamakailan lang ng mga kumuha ng Bar Exams. Nagsimula akong magtrabaho doon noong taong 2003 hanggang 2005 bilang isang Accounting Staff.
Nag ako'y pumasok at magsimulang magtrabaho, ako ang pinakabata ang edad. Ako'y bente uno pa lamang, batam-bata't sariwa. Teka, ba't ang nagiging Cursety Fermean mode ako at ako'y nagta-Tagalog ng bongga!
Anyway, ako'y lumiban sa opisina upang makita sila sa Mall of Asia at kami'y nagkasundong lumalala sa Yellow Cab.
Mga wrangler na sila, ages ranging from 30++ to 40++. Siyempre, ako ang pinaka-bagets sa kanila.
Maswerte pa ba ang makakita ng rainbow connection? Nakakita kasi kami nung bandang hapon. Umulan ng hapon at umaraw.
Dati rati, hindi pa ako ganito kalaki, pramis, I swear! Ang hubog ng aking katawan ay puede bang isabay sa mga katawan nina Xtine Reyes at Denise Laurel (weh) pero dahil sa sobrang sarap ng pagkain, akin na itong napabayaan habang nagdaan ang mga taon.
Ang pinaka paborito kong part ng trabaho ay overtime. Every month end, maraming mga paper work ang kailangan tapusin kaya kinakailangang mag render ng overtime. At kapag overtime, ang apat na oras na binubuno ko ay 3 hours leisure at 1 hour serious work. Mwahaha! 5pm pa lang, kami'y mamimili sa suking Mc Donalds sa may bandang Harrion PLaza pa dahil duon lang may mabibilan ng Caramel Sundae. Imagine, isang linggo na araw-araw, one-piece chicken Mc Do or 1pc Hot n Spicy chicken ng KFC at isang Caramel Sundae = APARADOR NA KATAWAN.
At ang aking lala buddy ay si Rhonna.
At ganyan talaga ang nemsung niya, may letter "H" at madaming "N".
Ang height niya ay 5'7" at mukhang mas malaki na ako sa kanya ngaun. Ahahaha!
White Kassel Whiskey @ MOA
10:24 PM |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






0 comments:
Post a Comment