Patay Gutom Na Naman

Hindi ko mahanap yung isang tweet ni Mama Ogie Diaz tungkol sa nagtanong kung saan daw masarap ang kainan habang gumagawa ng food blog. Ang napaka-seryoso niya namang sagot- sa pinggan daw.

Pero parang food blog na rin 'to! Sunud-sunod kasi ang paglala ko pagkatanggap ng half ng 13 month. Ang taray. Hahaha! Minsan lang naman eh. :D

Friday night, bago kami umuwi, dumaan muna kami sa Malcolms ni mareng Aimee para mag almost midnight snack. Almost midnight snack dahil 11pm ang out niya at inantay ko talaga siya para kumain kami. Medyo matagal-tagal nang huling kain ko sa Malcolms.

Sobrang sarap ng shake nila, lasang tinunaw na ice cream at mura pa! 75 php lang. Ang nilapa namin dito ay ang Classic Burger at Fries. Midnight na kasi eh! At dahil diyan, alas dos na ng umaga ako nakatulog!




Kinabukasan, kahit puyat at pagod, rumampa ulit ako kasama ang mga sexy starlet at may separate entry ito. :D

Nag videoke kami that night at rice at ulam talaga ang kinain namin dahil super patay gutom kami that night. Pero sumideline pa kami ng after midnight snack dahil mga past chuwelve na ng kinain namin ang bagong lutong bibingka with maalat na itlog at puting-keso at Swirly Fries sa Greenhills Night Market. Ang sarap! Busog at bundat!




Sunday. Last work day dahil off ko na ng Monday. Nang inatake na naman ng kagutuman. At lunchtime, sumaglit kami ulit ni partner na Aimee sa Yellow Cab sa matinding craving sa Spicy Hot Wings. First time kong natikman ang Baked Potato Halves with Bacon Bits, Mozarella Cheese at Bluecheese dip. Ang sarap!




Hindi na kami nag "pizza" kasi 1 hour ang alloted time for lunch at siyempre, bawal ma-late pagbalik sa office. 15 minutes lang namin kinain 'to. 2pm kami umalis ng office at nakarating kami sa YC ng 2:11. Sinverve ang aming order at exactly 2:31. Pagkatapos kumain, naghugas kami ng kamay at umalis at exactly 2:46. Dumating kami sa office ng 2:55 at nakasaglit pa kami sa CR. Nakapunta ako sa station ko at 2:59. Whew! Hondang-honda!





  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

ellie said...

nakakapaglaway naman yung potato halves! sana makatikim din ang pamilya ko nyan balang araw. wahahahaha!

Post a Comment