Dahil I come in peace and I don't want to cause any harm, dito na lang ako magbubuhos ng aking mga views and opinions about current affairs and showbiz news. Mahirap na magkaroon ng kaaway sa world wide web. Hindi matatapos ang discussion kapag walang magpaparaya. :)
Siyempre, unahin na natin ang revamp TV Patrol - Medyo nangilid ang luha ko kasi namiss ko talaga si Kabayan. Maka-channel 2 ako ever since at parang naramdaman ko na sa pangyayaring ito, babalik din ang Magandang Gabi Bayan. Nakakalungkot lang din, dahil may mga 'napatalsik' na iba sa kanilang pagbabalik ni Korina, pero sana, wag sila panghinaan ng loob at sana ma-retain parin sila sa ABS-CBN. Di naman masama ang ma-reassign. At least, may trabaho. At nakakapangilabot pala ang pagsasabi ni Kabayan ng, "Magandang Gabi, Bayan"!
Showbiz na agad, dahil yun lang naman ang laman ng utak ko!
Shalani over Willing -Willie - Lowest of the low. Parang nakakita ng light bulb sina Manny at Willie ng malamang break na sila Shalani at PNoy at sobrang pangungumbinsi nila, napapayag nilang maging co-host si Shalani sa WW. Hindi ko kinaya talaga ito. Sabagay, di na naman uso na kukunin ang serbisyo dahil sa capabilities mo, pero dahil sa 'hot item' ka, baka malaki ang hatak sa tao. Eh paano kung 'cold item' ka na? Sumilip ako sa channel 5 kanina, (silip lang yan ha, hindi ako nanood ha) dahil gusto ko malaman kung gaano siya ka alive mag host ng show. Pansin ko lang, kailangan niyang uminom ng Cobra energy drink. Walang kabuhay-buhay...
Jimboy being Jimgirl and being featured on the Buzz. Sana 'wag na to ulitin ng the Buzz, sakit sa bangs eh. Seriously, fame hungry lang naman itong si Jimboy, gustong sumikat kaya kung ano naiisip. Feeling ko, tumitira 'to ng happy pills eh.
Kara David on her controversial tweet against TVP. Kagabi lang ito, buti na lang madaming chismiso ang nakakita kaya na-capture at napagusapan nila. Ang cheap ha, at sumagot pa siya! At dahil diyan, maraming kumuyog sa kanya. Sa sobrang tapang niya, dinelete na niya ang controversial tweet. Naku, di na uso ang manira ng kalaban na program para makahatak ng viewers. Sino ngayon ang mukhang threatened at nagmukhang cheap? Think before you tweet. - Kat de Castro
Korean actress Lee Dae Hae about mocking Pinoys' English accent. Move on na, mga Pinoy! Nag apologize na nga si ate, dapat tinatapos na 'to. Hindi na dapat pinalaki in the first place. Kaka-OA mag react, buti sana kung hindi naman din tayo mga okrayero't okrayera, konting kanti lang nagagalit na. Eh kung yung mga Bisaya nga, ina-associate natin na mga katulong, hindi man lang tayo naga-apologize. Kung ako naman ang tatanungin, di naman ako nagalit. Natawa pa nga ako eh. Magagalit ako kapag tinawag tayong mga pinoy na 'unggoy'.
I was looking for the video clip on You Tube, pinatanggal na pala. Sabagay, kesa ulanin ng mga negative comments.
Karen delos Reyes and Pepe Smith about being a couple. Ilang araw ko na nababasa ito sa mga blind items at finally, may interview sila sa Star Talk. Ang angas ni Karen, parang nakatira lang, kasama si Pepe Smith. Kaya naman walang karir ang hitad na ito. Mukhang bet naman siya ni Pepe, sana pinatos na niya! Sakaling sumikat pa siya! MA at PA na lang! Hahaha!






4 comments:
HAHAHAHAHAHA!! Nakakatawa si Kara, Shalani, Karen at Pepe!!!
Bakit di ka natawa kay Jimgirl? Hahahah!
miss you red! see u soon! - sabeeeeeeeeeh?
nat
Huy, Nat! Buti napadaan ka! *sniff* Ehehe
Post a Comment