I've been eyeing this kind of bag at the SM Department store. Ngayong may extra money na ako na pambili, parang nagdadalawang isip naman ako na baylahin ang bagelya. Nasa isang libo rin ang presyo, medyo madami na rin akong mabibili nun.
Instead, heto ang mga nabili ko kanina.
For Baby Boy
For Yana
and For Kikay.
Kasama ko si Yana nang magpunta ng SM kanina at pinasukat ko na rin sa kanya ang dress na yan bago ko pinabalot. Ahahahahaha! Okay lang yan, 3 years old pa lang naman ang bagets kaya maiintindihan niya kung bakit kailangan pang ibalot at ilagay sa ilalim ng Xmas tree at puede lang buksan on Xmas day.
Kaasar lang kanina yung isang bata na nag amok sa department store. Akala ko naman, tuwang-tuwa siya kay Yana at hinahabol siya. Yun pala, maldita siya at biglang nananampal ng hindi niya kilala! Huh! Kung puede ko nga lang kasuhan yun ng grave threat at attempted homicide! Bwisit na bata yan. Kaya pala hinahabol nang nanay niya, may krimen na pala na gagawin. Kukutusan ko na sana, kaya lang, pinagalitan ko na lang. Pinagsosorry na naman siya ng nanay niya. Kaka-high blood huh!







1 comments:
regalo ko din ninang deejay! wahahhaha!
bongga talaga yung dress na para kay kikay, sana may available pa. bibili ako para sa sarili ko, haha!
Post a Comment