Ako'y napagutusan lang po at nakikigaya sa uso. Ahehe. Medyo nahirapan pa akong punan ang tatlumpu't isa na bilang, subalit nagawa ko din naman.
Without further ado, narito na po.
1. Uunahin ko na ang nai-match ko sa pinagkopyahan kong blog na itetch. Hindi ako naliligo kapag hindi aalis ng bahay. Mas malinis pa ako sa hindi naliligo pag walang pasok. Kapag may lakad, kahit walang pasok, naliligo naman ako. Pahinga ko na ang hindi pagligo paminsan-minsan. Nakakapagod kasi mag shampoo. Charice! Pempengco lang ha? :)
2. Sa hindi malamang kadahilanan, takot ako sa aso. Nung bata ako, mahilig ako sa aso. May mga alaga pa akong tuta noon. Ngayon, kapag may nakikita akong mga aso daan na nakangising aso, ako na ang lumalayo at magiiba ng ruta daan dahil ayokong makipagplastikan sa kanila.
3. Napapatili ako kapag nakakakita ng anumang uri ng daga. One time, habang naghuhugas ng pinagkanan sa aming clogged sink, akala ko, mumu ang bumara sa butas. Ng aking tanggalin, isang baby mouse ang nakabara dun.
- Sa daan, lagi akong nakakakita ng malalaking daga na nagko-cross sa aking path na mahaba ang buntot.
- Madalas rin akong nakakakita ng tegi na malalaking daga sa kalsada na nadaanan ng sasakyan.
4. Noong ako'y musmos pa lang, trip namin ng kuya ko na magpulutan ng asin, paminta, vetsin with vinegar as sawsawan.
5. Nagsimula lang akong maligo tuwing umaga bago pumasok sa school noong ako'y first year highschool dahil na guilty ako sa sinabi ng teacher ko na "mahiya naman yung mga hindi naliligo dito!"
6. Nang simula na akong maligo tuwing umaga, nawalan ako ng kuto.
7. Nakapagpa-pixie cut na ako nung bata pa ako sa kapal ng buhok na pinamumugaran ng mga kuto at lisa.
8. Nagkaroon ako ng malaking bakokang sa binti na ang gamot ay dinurog na penicillin noong ako ay bata pa. Sa sobrang laki ng sugat ko, sabi sa akin ng doctor, baka daw maputol ang paa ko.
9. Nang minsang kumain ako ng frozen avocado ng 5 in the morning bago jumosok sa eskwela, nawalan ako ng malay habang nagfa flag ceremony. Ang vision ko ay biglang naging black and white bago ako tuluyang matumba. Naganap ito ng mga 5 seconds at nagising din ako bigla.
10. Takot akong sumakay sa eroplano, tsubibo, at ibitin sa ere.
11. Sa sobrang takot ko after I watched Blair Witch Project, I have sleepless nights for days sa akala na baka ako na ang kunin ng witch. Simula no'n, I stopped watching scary-crappy movies.
12. I'm afraid sleeping in complete darkness. Kapag nagising ako ng alas-tres ng madaling araw, bubuksan ko ang ilaw sa aking kwarto para makatulog ulit.
13. I can only tolerate reading and listening to scary stories. Ayoko na kapag may visual presentation.
14. Nung ako ay magkaron ng UTI (dahil sa hindi ako nagpapalit ng underwear, pero nagpapalit na ako ngayon.. biro lang!) nagsimula ako gumamit ng wet wipes. I never leave the house without bringing one.
15. Kabisado ko pa ang isang poem na I've memorized since gradeschool. It was entitled 'Bird Talk' by Allen Fisher.
16. I once got a zero score sa isang quiz sa math at ito ay addition of 4-digit numbers. Favorite kong math subject ay Algebra. Ang unang course kong kinuha nung College ay Accounting.
17. I graduated Salutatorian at kinder and I can't pronounce the word 'ceremony' when I delivered my graduation speech.
18. Minsan naiisip ko kung ako lang ba nagiisip na bakit pa sa katauhan at katawang ito ako napunta, puede naman sa iba.
19. Noong nag-quiz kami noong grade 2 ako sa English subject which is to use the word in a sentence, ang sagot ko sa word na 'fold' ay "I hold the fold'.
20. Akala ko noon ang Baclaran ay lugar kung saan ang mga bakla ay naglalakaran habang tinutugtog ang "Lambada." Akala ko kasi dati pang bakla yung kantang yun eh. Joke.
-Akala ko noong bata pa ako na kapag ang babae ay nagtanggal ng panty sa harapan ng babae ay mabubuntis.
21. Ilang beses akong sinasabihan ng attending physician na nag conduct ng PE sa akin ay ako daw ay gifted.
22. Minsan, habang naglalakad sa isang madilim na daan sa Sta. Mesa during college days, may isang maitim at masyongot na lalaki ang pumisil sa aking mga papaya at nagmamadaling tumakbo.
23. Isang lalaki na di naman kagwapuhan in a red ride na paikot-ikot sa elliptical road ang huminto sa aking tapat at nag-alok akong ihatid sa baler habang nag-aantay ng masasakyan sa City Hall ng disoras ng gabi noong ako ay disiotso anyos.
24. 11 kaming magbabarkada na sabay-sabay na nag-enroll sa isang 4th year subject sa isang section para i-stalk ang aming mga crush. Ang pasok namin ay 12nn, 11am pa lang, magkikita na kami sa library para makapag-prepare at magpakitang gilas sa recitation.
25. Umiiyak at nagwawala ako kapag nagagalit ako. Yan ang reason kung bakit hindi ako nakikipagaway at nakikipagtalo.
26. Noong highschool, nahilig akong magbasa ng Romance Tagalog Pocketbook. Ang favorite kong author ay si Maia Jose at nakumpleto ko ang series niya na ABAKADA ng Pag-ibig. Ayan, isa na akong hopelessly romantic.
27. Nagbi-Bingo kami dati ng classmate ko bilang pastime sa 3 hours vacant time namin pagkabukas ng SM Centerpoint bago ang next class. Never naman kaming nanalo.
28. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko na binabasa ko yung mga pornong 80's magazine na natagpuan ko sa isang cabinet. From cover to cover ko binabasa habang kumakain ng popcorn!
29. Muntik na akong ma-Laureen Lardizabal ng matulog ako habang suot ang contact lens. Since then, hindi na ako ng ko -contacts. 650 ang grado ng mata ko, both left and right.
30. May nunal ko on most odd places of my body - sa siko which is my birthmark at may tumubong nunal na color blue sa tabi, sa likod ko - isang tumpok na buhay na mga nunal at isa malapit sa batok, sa, uhmm, malapit sa right boob, sa upper lip, sa ilalim ng hita, ilalim ng braso at sa kilikili.
31. Nung ako ay grade 1, nangupit ako ng isang ten peso bill, twenty peso bill at one hundred peso bill sa bag ng nanay ko ng hindi nalalaman na pagnanakaw na pala ang ginawa ko. Grounded ako sa paglalaro for 1 week. Ngayon, isa na akong pusakal na magnanakaw. Chos! Integrity is about what you do when no one is looking and remain honest.






1 comments:
grabe, namolestya ka pala sa sta. mesa? wahahaha! at yun talaga ang tumatak saken noh? lol.
Post a Comment