Downloaded Movie Review: My Amnesia Girl


Yes. May available na DVD copy na ito from WingTip. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko man lang natutulungan ang industriyang Pilipino, nagkasala pa ako. May dahilan naman ako. Walang may gustong sumama sa akin manood na hindi ko ililibre. Hehe. Ayoko naman manood ng mag-isa. Na-try ko na at hindi masaya.

Paano ba magiging spoiler-free ang review na hindi nari-reveal ang plot para sa mga hindi pa nakanood? Let me try my best and I hope that best was good enough.

Have I been telling everyone na I love rom-com movies? Pasok na pasok itong movie na ito dahil sa dami ng kilig moments at mga nakatatawang scenes. Sa sobra yatang dami eh, nasobrahan na at nakakaumay dahil bawat scene na lang, may kilig moments. Hindi naman sa nagrereklamo ako huh, pero okay naman siguro kung tamang timpla lang. Naapektuhan naman ako sa iba pang scenes nila John Llyod at Toni. May mga times na maluha-luha ako.

Tama nga naman si direk Cathy na malayong-malayo ito sa 50 First Dates nila Drew at Adam. Sabi nga niya, 'hiniram' niya lang yung idea sa pagkakaron ng amnesia which is good. Parang ginawang inspiration nila ang idea na yun para mabuo ang film na ito. Wala naman akong napanood so far na halos pareho ng movie.

Ngunit heto na. Maganda kung sa maganda ang movie, pero ba't parang hindi ako satisfied?Mukhang mabilisang ginawa ang mga eksena at parang paulit-ulit. Pansin ko lang huh, sa mga movie ni direk Cathy, ang mga eksena na kung saan magaganap ang turning point ng mga characters, nagiging part ang inang kalikasan. Ang example ay ang pag-ulan. Hindi naman sa nirereklamo ko ang pag ulan, pero puede bang wag naman umulan? Sa movies nila JLC at Sarah, natatandaan ko na may sun dance pa, pero mahalagang sangkap naman yun sa pelikula. Pero ang i-inject ang pag-ulan para maging mahirap ang habulan ng mga characters sa eksena? Nakakasawa eh. Chos!

Out of 5 stars, ang mabibigay ko ay 3 lang dahil sa pagiging predictable ng film, paulit-ulit na pagulan at ang mukhang mabilisang pagkakagawa. Sabay ganun no? Hahahaha!

Kayo na ang humusga!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment