Our neighbor na kahawig ni Derek Ramsey.

Gash, for how many years na kaming magkapitbahay ni Papa Derek eh hanggang ngayon hindi ko pa alam ang real name niya, picture pa kaya? Hindi naman siya super kamukha ni Papa Derek, pero may resemblance sila. Moreno at mukhang latino. When he first moved in sa aming building, sobrang swerte naming magshupatid dahil nagkaroon na kami ng poging kapitbahay ever! Ang mga pogi naming kapitbahay at nagkalat sa ibang building. Kelangan pa naming dumayo sa malayo upang masilayan lang ang kanilang kamatchohan. Kaya naman ng dumating si Papa Derek, hulog siya ng langit.
As years passed by, people grow old and mature. Medyo shumubis na si Papa Derek, balak yatang habulin ang size na katawan ko. Pero ginagawan naman niya ng paraan. Halos nakakasabay ko pa siya sa umaga while I am papasok sa office and he's papuntang circle para mag jogging. Gash, ip I know, ini-stalk niya ako! Well, hindi pa naman nangyari ang pinapangarap kong magkasabay kaming tumakbo sa circle. Nakikini-kinita ko na, mangyayari din yan one of these days.
Eh kasi kanina, habang pauwi, nakita ko siyang naglalakad sa kalsada sa Philcoa habang ako'y pauwi. Siyempre, nagkatitigan kami ng bonggang-bongga! Feeling ko nga na kuryente ako, samantalang siya naman, parang takang-taka kung bakit ako nakatitig sa kanya. MY GASH! Bakit siya ba umiiwas, eh naka pants naman ako kaya hindi niya nakikita ang binti kong puro gasgas!






0 comments:
Post a Comment