Project 365: Day 10

Day: 10 Butt it hurts
Pasintabi lang po sa mga kumakain at medyo maselan ang aking ibabalita. Chos!

I am almost free from cough and colds, but wait, there's more! May follow up pa pala. Before my period ended, may lump na tumubo sa aking, uhmmmm, puwitan at nagsimulang sumakit. Inantay ko na lang matapos ang aking buwanang dalaw para naman maipasuri ko sa espesyalista kung ano ang naging sanhi ng pigsa na tumubo sa aking, uhmmm, puwitan.

Hindi ko naman nabasa sa horoscope ko na magkakasakit ako, specifically sa may bandang pwet dahil tutubuan ako ng pigsa. Ang mahirap pa dito, walang mata na puputukin. Sa loob tumubo at sa loob kumalat. Yikes. Sobrang init lang ng pwet ko kaya kapag giniginaw ako, hahawakan ko lang at parang may hot compress bag na ako.

Sabi ng doctor na nagcheck up sa akin, pimple daw na na infect kaya namamaga. Pinababalik ako after 3 days kapag hindi nakuha sa antibiotics, baka operahan na ako. Paano na yan? Hindi na ako makakapag thongs at t-back kapag na Bora ako.

Kakaloka pa yung nurse na nag interview sa akin. Pagkatapos pa fill up-an ang form tinanong niya ako kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil may kaharap akong pasyenteng lalaki. At parang eksena sa pelikula na nauutal-utal ako na sabihing may tumubong pigsa sa pwet ko, may nag interrupt sa attending nurse at naputol ang usapan namin for just one sec.

Kakaloka!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment