Day 6: Shit Bid
Biglaang nag conduct ng shift bid dahil malapit ng manganak ang isa naming kaopisina at ito ay magiging effective next week. Dahil sawang-sawa na ako mapag-isa sa hapon (chos!), pinili ko ang pang umagang sked (6:00 the earliest) Dusa ang mapunta sa hapon, lalo na't mag isa ka lang, kaya para maiba naman ang takbo ng kapalaran, ako'y nagpasya na ibahin ang aking schedule. Kaya, Pat, kung mababasa mo sana ito, isang overnight lang naman ang kapalit, bibigay din ako. Ahahahaha!
Day 7: True Love Conversations
Nasabi ko na ba na wala kaming TV? Yes, wala kaming TV kaya malungkot ang aming mga araw at gabi. Nakaka catch up pa naman kami sa aming mga paboritong palabas sa Kapams, salamat sa Iwanttv.com.ph, kaya lang, sing liit ng thumbnail (OA) ang screen ng live streaming. Joke lang, pero totoong maliit ang screen kaya hindi enjoyable ang panonood.
Kaya naman sa gabi, pagsapit ng 9pm, si John S. Gemperle aka Papa Jack ang aking kasama at kapiling. Ang fresh niya ditei no? Kasama niya ang jowa niya sa pic na hindi ko na kinapture. Ehehe.






0 comments:
Post a Comment