Fake Microsoft Essentials Alert

Kahapon, may isang nakakakabang pangayari ang naganap.

Yung computer nang kasama ko biglang nag freeze at nag pop ang window na ito.





Totoo bang may Trojan virus ang computer na gamit niya? No. Yan na mismo ang virus na yan, nagpapanggap na Microsoft Essentials at magsasabing may na-scan na virus na kelangan tangglain. Sa pagkataranta, mapapa click ka ng Clean Computer para matanggal ang infection,yun pala, that would make it worst. Ida-download nito ang fake anti-virus program at ipapakita na maraming virus ang na scanned.

Kalowka. Ang aming Virus guard ay McAfee, kaya paanong naging Micorosft Essentials. Ang mangyayari kapag aksidenteng na-infect nito ang computer, magiging unresponsive ang ibang program at naka pop lang ang window na 'to kapag ni-restart ng computer. Ang ibang User Profile ay di naman infected kung na download sa ibang User Profile.

Gash, nakakakaba, we didn't know what to do. Kasalanan ko rin partly dahil kinukwento ko sa kasama ko yung Indonesian na nagmala Hayden Kho na nakulong. Nag search siya ng picas at di ko naman akalain na iki-click niya.

So, dun nagsimula. May action plan na kami dahil unresolved pa itong problema na ito. I will keep you updated kapag fini na. Ganun?



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment