Mga Pag-aaring Materyal #001

Dahil sa nadagdagan na naman ang pag-aari kong materyal, minabuti ko nang gumawa ng series of post entries para sa mga materyal na bagay na nagdadagdag sa aking pag-aari, (ay. sirang plaka? Paulit-ulit?) In short, dito ako gagawa ng aking listahan para sa mga karangyaang aking pinagbabayla.

Umpisahan natin kahapon.

Maraming murang tinda sa Galleria, sabi nga ni Ateng puede nang magpanic buying para sa darating na Xmas Season. Gash, meron Bag Sale sa ground floor, mula sa ma coin purse na tig ten pesos, hanggang sa mga tote at eco bags na tig 3hammer. Saan ka pa, murelyang-murelya na.

Siyempre, napaukay na ako ng mga bags, meaning, halukay ever! At naispatan ko itong bagelya na bagay na bagay sa aking personality! Puedeng puede ko nang gamitin sa aking sporty lifestyle!


Ano ba tawag dito? Bahala na! May body strap na puedeng isabit saan pa, kundi sa body!



Compartments inside: Puedeng lagyan ng silpown.



Fish net para naman sa coin purse at keys.


Aktuwali, ginamit ko na kaninang nag aero at tumakbo ako sa circle! Effect na!

At ang pinakamagandang deal diyan, na buyla ko lang sa halagang 59 pesos! Saan pa!



Flowy Gray Vest

Dahil sa may kainitan naman ang aming puesto sa opisina, di ko na kelangan magsuot ng mga pang winter kong jukelya. Tama na ang mga vest na ito na bagay na bagay sa aking bilugan na body shape. Isa lang 'to sa mga good finds sa Galle at I promised myself, maglalaan ako ng isang pay day para masuyod ang Department store ng Galle. Hahaha!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment