Project 365: Day 41

Day 41, February 11: Cooking -cooking



My version of Garlic Shrimp Pasta.

Nawawala kanina yung grater, kaya bloke-blokeng keso ang nilagay ko, pero nakita ko na. Kaya kasing pula ng lips ko ang sauce dahil tomato paste ang gamit ko. The day after nang matikman ko ang fudang na 'to, pinaplano ko na ng weekend na gumawa ng sarili kong version. Naalala ko na lang ng nakita ko ang picture ni Basil Valdez habang nag go grocery sa Hi Top dahil isa sa mga ingredients nito ay Basil leaves.

Ingredients:

10 pcs shrimps, bilang na bilang, mahal kasi
1 pack tomato paste, di ko nakita kung ilang mL
1 clove garlic
5 pcs Basil leaves
1/4 kg Linguine pasta
pepper, salt, at patis to taste
cheese, puede na si mareng Eden

Pakuluan ang pasta hanggang maging al dente at habang ginagawa yan, puede nang chop-chopin ng maliliit ang isang clove ng garlic at si Basil Valdez at pakuluan na rin ang sampung pirasong hipon sa konting tubig. Kapag nag color orange na, puede na silang hanguin at balatan, but..... huwag itapon ang pinakuluan. Magagamit pa sa susunod na labada.

Check Spelling
Kapag luto na ang pasta, ilagay muna sa isang bowl at mag drizzle ng mantika para galit-galit muna sila at hindi close sa isa't isa. Vegetable oil pala ang ginamit ko kasi medyo mahal kung extra virgin oil ang gagamitin ko. At habang ginagawa yan, puede nang magpainit ng mantika sa kawali at ilagay ang chinop chopped na bawang. Ibuhos ang huling banlaw ng mga hipon at ang tomato paste. Timplahin ang lasa sa pamamagitan ng salt, pepper at patis. Why patis? I so swear, mas malasa kapag patis ang nilagay. Huling isahog si Ginoong Basil.

Kapag yummy na ang sauce, ibuhos ang pasta sa kawali at waa laa! Ibudbod ang grated cheese at puede nang i-attack!

My greatest critic is my sister for she has the finest taste when it comes to food. Ang di ko lang maintindihan, gustong-gusto niyang kainin as is ang Basil leaves. Yuckkkk, lasang gamot kaya, tamang-tama lang itong herb na 't para magkaron ng kakaibang lasa ang fudang.

Grabe, ang payat-payat ko na!


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

ellie said...

pareho kame ni busek, mahilig sa basil! kaya pesto ang favorite ko pasta, ehehe.

putek, nalito ako... akala ko kung ano na nangyare sayo, nakagoogle translate pala ko sa site mo. tingnan mo translation nung huling sentence mo:

"Serious, the skinny-skinny that!"

Patay Malisha Barton said...

Triny ko nga, yan nga ang translation niya! Magawang blog entry yan! Hahahahahha!


Gusto ko rin ang Basil, kaya lang di ko naman trip na papakin. Hehehehe

Post a Comment