Project 365: Day 45

Day 45, February 15: Good morning, Babe!




Sensya na, kamay lang niya ang nakuhanan ko. Baka kasi biglang lumingon eh, magmukha akong kinuryenteng pusa.


Kalurki. Good mood si Kuya. Nag post siya ng status sa fezbuk ng BBM PIN niya. Marami na namang nag-comment including yung sunog na plastik na masyadong overrated sa paggamit ng term na 'my friend'. Gash, well ano pa bang puedeng maging relasyon niyo? Alangan namang 'my kabit' or 'my ka-fuck buddy'. Sorry, banas lang ako sa kanya.

Dahil sa sobrang asar, napa comment tuloy ako sa status ni Kuya ng "My ATM PIN: { insert here b-day niya } Di ko naman akalain na matutuwa si Kuya sa comment ko kaya napa reply siya ng 'hehe' at kanina nga, pagdating na pagdating niya, ang bungad niya sa akin ay 'Good morning, Babe!'

Gash, buti na lang hindi ako mestisa at hindi uso sa akin ang pagbaba-blush, pero naramdaman ng kasama ko na umabot ang hair ko sa kabilang working station. Siyempre ako naman, hanggang punchlines na lang para hindi naman ma-obvious na bet ko rin siya. Or ip I know, bet na bet niya ako.. Hay, magpapakipot nga ako!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

ellie said...

hinde ka man nagblush, ramdam na ramdam ko ang kilig mo sa pagkakasulat mo ng entry na 'to. wahahahaha!

ang shupal ng fez ha, magpapakipot pa talaga? nilagay mo ba na ang ATM pin mo eh birthday nya? hahaha!

Patay Malisha Barton said...

Hahaha, birthday nga niya! Di kasi naga appear dito. Teka, ma edit nga! Feeling ko tumambling siya ng bongga eh!

Post a Comment