Nung nabasa ko sa PEP.PH na ang March 2011 issue nila ay ang buhay-pag ibig ni Sarah, tinambangan ko na sa aming suking tindahan ang paglabas nito. Gusto kong malaman kung totoo bang naging sila ba ni Rayver Cruz at hindi delusional ang batang ito. Alam niyo naman ang YES! Lahat ng kontrobersyal nilalabas.
Hindi pa ako tapos basahin dahil inantok ako! Akala ko mga statement ni Sarah ang mababasa ko eh puro sa mommy Divine niya at sa personal assistant niya. Kaloka! Pero baka sa bandang dulo, may inverview din si Sarah.
My personal take on this: Masyadong mahigpit ang mga magulang ni Sarah, ni ultimo mga kapatid niyang mas matatanda na sa kanya, hindi pinapayagang magkaroon ng bf. Sa sobrang pagko control ng mga magulang ni Sarah, ayaw siyang malagay sa kapahamakan. Pero paano magiging strong ang isang tao kung hindi ipaparanas sa kanya nag hirap? Kawawa si Sarah. Mahirap ang overprotective na parents.
Siyempre, habang nagbabasa ng kachismisan, ang aking bf: Pork Chao Fan and Siomai sa Chowking! Masarap ang rice sa murneng at sa halagang 39 peysos, may Chao Fan ka na! Yum-yum!






4 comments:
Kapag nakikita ko si Sara lagi ko naiisip ung winawanga ni Kristine Reyes nuon na nagpapatanggal siya ng mga artista sa ASAP pag hindi niya feel.. hmm.. un ang gusto kong malaman! :))
Sinagot yan ni mommy Divine dahil puro sa kanya ang interview ng Yes! Sabi niya, ayaw niyang pagsamahin si Rayver at Sarah sa isang production number, kasi nga sa naganap na pagtataksil, kaya nakiusap sila na magkaiba na lang daw! Eh opening act yun, ayaw pumayag ng staff, si Rayver na lang daw ang tatanggalin nila sa imbes na si Sarah! Hahaha! Dapat yung picture na lang ni mother Divine ang front cover ng Yes dahil 30 pages na interview eh puro siya! At talagang sinagot ko daw! Hahaahahah!
hahahha you're funny! dapat sa interview kahit man lng si sarah na.. dapat ung ermat niya nlng ung nag artista kung ganun!
Parang nakakakilig yung movie ni Sarah and Gerald noh? Papanoorin mo ba?
Post a Comment