Ano ba ang tama at hindi tama sa pagkakaron ng 'crush'?
Kasi may hinahangangaan ako sa opisina. Yan na ang ginamit kong term para mai-explain ko kung sa ano bang aspeto ng pagkatao niya ako humanga. Hindi siya yung isa sa mga poging nagkalat sa floor. Hindi rin naman siya yung isa sa mga boylet na nagpapakilig kapag nakikipaglandian sa akin. Pero why nga ba na nagustuhan ko siya?
Isa siya sa mga hindi kagwapuhan at kasupladuhan na ka officemate ko simula nang nagtrabaho ako dito sa pinapasukan ko ngayon. Simula nang lumipat kami ng floor, madalas na nagkakatabi na kami ng station, hence, more bonding time. Natutuwa ako sa kanya kapag nagkukuwento siya about his family, about his wife and his children. Yes, he's married. At natutuwa ako sa kanya dahil isa siya sa mga kaunting kilala kong lalaki na happy on his married life. Gash, ano na namang kalandian ito?
Hindi ko naman talaga mapapansin na may something na pala nang inaalam ko na ang sked ng pasok niya. Stalker na agad ako?!? Nun ko na lang naisip na, my gash, may something na nga ako sa kanya!
Nagkagusto na naman ako dati sa isang lalake na may pamilya niya, pero hindi ko naman alam yun dati kasi sabi niya wala, eh yun pala meron! Kalurki. So nawala na ang feelings ko sa kanya. Chos.
So ang tanong, masama ba magkagusto sa isang lalaki na may asawa't mga anak na? Wala sa isip ko ang pumatol dahil ang takot ko lang. Pero hindi ko mapigilan ang hindi kiligin kapag naguusap kami. (yuccck)
PS. Kapag nalaman ni Nat ito, mwahahahaha!






3 comments:
arte mo nga gago! bwahahahaha!
si kuya ba ito na mababaw ang kaligayahan? hehehe. yiheeeeeeee, may crush!
Kumabog yung dibdib ko nung mabasa ko yung Nat. Akala ko si NatP! Hahahahahahha!!
Isusumbong kita kay NatNat.
At yung nagustuhan mong lalakeng may pamilya, sya ba si anes? Hahahahah
@ateng - Ang arrte ko talaga no, ogag! Hahaha! Siya nga at kinuwento ko na siya sa kaofficemate ko! Bwahaha! Safe naman ang secret ko dun!
@ish - arrte mo, ogag! Hahahaha! Nagstatus yung si NatP nung isang araw, nagcomment pa kaya ako!
At OO, si anes nga iyan. Hehehe.
Post a Comment