It's the pilot showing of Mula Sa Puso remake today, kaya lang hindi ko naabutan dahil late na ako nakauwi from office. Next week babalik ang regular sked ko na 8am-5pm. I am only interested to watch JM de Guzman, pero ayon sa aking mga nabasa, wala pa naman sila sa mga susunod pang episodes dahil sa Friday pa sila lalabas, so keri lang kahit hindi muna mapanood.
Kaloka, pilot din pala ng Captain Barbel, at ang Gutienez family are pretending that Kenneth's show is worth watching. Talaga lang ha? Nakakahiya man, dito malapit sa amin nag shooting nang CB, pero ako na ang magsasabi na kahit mga bagets, di man lang nakukuhang lumapit para pagkaguluhan si Kenneth. Ika nga ng mga Kapusucks, once a ham actor is always a ham actor. Hindi na magbabago ang acting prowess ni Kenneth, kung may prowess man na nagmumula sa kanya.
*****
Kaninang lunch time, around 2pm, nalaman kong nandito pala sa EBS ang mga BFs ko from Azkals. Nag guest pala sila sa Hapee, Yipee, Yehey, sad to say, wala akong marinig sa mga sinabi nila dahil walang audio ang TV sa The Loop. Ang sad ng life. But the thought that they are within reach is so painful dahil hindi ko sila makikita in flesh.
Bago umuwi, habang nagba browse ng forums na parang live TV ko na rin, nabasa ko na nag guest pa sila sa TV Patrol and let me quote a post from my fave forumer:
Ang cute ni Phil!!!! Damang dama ko ang orgasm ni Korina habang iniinterview nya!!
Mwahahaha! Bago ako umuwi, tumuloy muna ako sa Trellis baka sakaling mapagawi ang Azkals at dun sila dumaan palabas. Baka nandun din yung bus nila. Kaya lang, sawing-sawi talaga ako! Akala ko, makikita ko na mga boylet ko!
*****
Guilty pleasures ko ang panonood ng Mucha and MC. Hindi ko naabutan ang Mucha, :( pero kaya ko pang panoorin ang MC tonight (di pa ako antok) Natatakot ako na baka makita ni Gary si Mara! From the teaser for tom's episode, natuklasan ni Clara na buhay pa si Mara! Afraid! Kelangan ko nang magpahinga para makapanood bukas! Mwahahaha!







0 comments:
Post a Comment