Dahil sa tinamaan ako ng katam nung nakaraang dalawang araw, pass muna ako sa kumikitang kabuhayan (read: OT) at medyo maaga akong natutulog. Halos hindi na ako nagdi dinner dahil borlogs na ako by 6pm. Ang gising ko ay 3:45 am kinabukasan. This is to prepare myself for the challenge we are about to start next week. Kung ano yun, abangan! Chos.
Kahapon ko lang natapos at napanood ang final episode ng Spartacus. I am so not into gladiators type of movies or even series, pero ibang klase talaga ito. Nakakapanginig laman and regardless of too much nudity and violence presented, hindi naman lumawlaw ang istorya, kahit ang prequel. Bonus na lang naman yung mga sexy and sex scenes, siyempre, yung story pa rin ang habol ko. Ayon sa bali-balita, babalik daw for second season and I am so into it if they can still sustain the story. Kung sa tingin natin, grabe ang torture, crime and violence sa ating panahon, imagine noong sinaunang panahon na ang mga slaves ay laruan lang ng mga maimpluwensiyang tao. Puede nilang alilain, reypin at patayin ng parang mga hayop lang.
Again, the second installment of the series ended in a very satisfying way. Sabihin ko na ba ang ending? Yung lead actor, si Gannicus, siya ang Spartacus during his stay at the house of Batiatus, meaning, siya ang lead star. Let's just say that he didn't die at the end of the story and he was rewarded with a gift that most of the people during at that time are desiring for.
Sana, makabalik si Andy Whitfield along with Dustin Clare sa second season. At sana, bumalik pa ang favorite kong character na si Lucretia!







0 comments:
Post a Comment