Day 189. July 08. Cream ala Creme
I am wanting to eat any cream filled bread today, kaya lang yung Dunkin sa Philcoa matagal nang wala. My oldest memory kung kelan pa naitayo yun was when I was in highschool. Ba't kaya nagsara? Nalugi ba ng bongga, eh parang kaka-renovate lang nila last year. After 8 days straight sa work, nagpahinga ako ng bonggacious by sleeping for 14 hours at paggising, ay nagsimula na akong maglaba ng aking natambak na labada.I have pa naman a lakad tonight with my new friends from the office. Sorry, medyo sosyalan na ako magtype. Chos! They were so nice to invite me to go out para mag indulge sa promo ng Max's na chiken-all-you-can! Lugi na ako sa mga ganyan dahil nowadays, mahina na akong lumafang at di na tulad ng dati na kilo-kilong manok ang nakakain sa isang upuan. Char! Kaya lang, sobrang lakas ng ulan tonight that I can't go out (ang arrti) Niyaya ko na lang sila sa McDo Philcoa at ililibre ko sila at may nagyaya na sa McDo Cavitex na lang dahil taga-Cavite pa siya!
I reactivated my Twirrer account because of them. Marami pala sa mga kaofficemates ko ang nagtutwirrer at nakakatuwa na they are encouraging me to be active again. Yun nga lang, blocked pa rin sa office lahat ng apps ng T at hindi ako makapag stalk at Tweet sa ofez. Ang hirap gawaan ng paraan para maccess ng bonggang-bongga!
Bed weather. Hindi pa rin tuyo ang aking mga sinampay dahil maulan pa rin ang panahon.
May clear copy na rin ng Transformers available via Torrent at maganda ang mga reviews kaya pinagtiyagaan kong panoorin ang aking na download. Hindi ko lang magetching kung bakit ang bagal rumescue ng mga autobots, pero siyempre, happy pa rin ang ending!
I stayed in the bed for the whole day dahil pasukan na naman mamaya. I am starting to read my overdue books one by one na nabili ko sa mga booksale. May ugali pa naman ako na hindi tinatapos ang binabasa kapag hindi na appealing ang story. Pati ang mga movies na boring, hindi ko na tinatapos. Dinedelete ko na lang.
Day 191. July 10 OK Weekend
Wala pa pala akong magazine ng Royal Couple kaya bago pa magka ubusan, bumili na ako ng aking copy. I am not an avid follower at hindi ko naman super crush si Prince William. It's just so happen na he is close to my heart dahil pinangalan ako ng mom ko kay Princess Diana, kahit marami ang hindi naniniwala at kahit itanong niyo pa sa nanay ko! Hahahahah!
Off na naman ni Ser kaya na miss ko siya ng slight but of course, nagkaron ako ng dahilan para i-text siya ng umaga. Alas 5 am nang may naganap na small commotion at ako na ang nagvolunteer para i-textmate siya. Pero nag good morning na muna ako dahil baka natutulog pa siya. Aba, nagreply agad! Sanay na daw siyang maagang nagigising kahit hindi siya tatakbo for that day dahil umuulan sa labas. Kung alam lang niya na I always look forward every weekend na magkaron ng problema para lagi siyang maitext!
Day 192. July 11. Asus!
Paguwi ni shupatembang nang gabi, may bitbit na siyang bagum-bagong lappy toppy courtesy of their school! Ang shorayyyy! Yun nga lang, hindi maganda ang OS na nainstall (Windows 7 Starter) and I found out na limited ang features nito. May preinstalled Word and Excel na hindi trial version, ngunit, limited din ang features. May mga ads sa gilid habang nagko compose ka ng resignation letter. Hindi ka rin makakapagpalit ng Desktop background. Kakalungkot naman!
Buti na lang, madaldal si Heartbeat at naichika niya before na bumili siya ng bagong lappy at meron siyang installer ng OS! Hindi ko naman tinext today, but kinabukasan na ako nang hinihiram sabay kwento na rin ng sitwasyon ng lappy. Iniwan niya nga lang installer sa kanilang bahay sa Malabon. Next week pa siya babalik para getlakin yun kaya puedeng-puede ko siya i-text ng weekend para I-borrow yun. Naks!
May problema ulit na nangyari for this day, kaya lang hindi na ako nakapag volunteer para i-text siya kundi ang kasama ko. Meron daw siyang Globe na numbah at may lowd pa siya kaya siya na ang nagtext kay ser. It's all about the password para sa login ng isang process at mukhang nagexpired na kaya hindi ina-accept. At ang pass combination ay color - blue1234. Baka naman hindi na blue ang password? Baka fuchsia 5678 na? Nag-suggest si sir na ipa reset namin at gawing red125. Promise? Password na yan? Nagsuggest ako kung puede namang chartreuse or periwinkle, o kaya naman, carnationpink! Akala pa na nambobola ako dahil hindi niya alam ang mga shades na yan except for the pink. Weh, di nga?
Day 193. July 12
Dahil alam kong papasok na si ser tonight kaya ginamit ko na ang pabangong nabayla ko sa isa sa mga naglalako sa office. Hindi ko naman bet na bumili, pero effective ang calling ng kulay at amoy, kaya naman ginamit ko na rin para ma-test kung makaka attract ba ako ng boylet. Eh parang hindi naman! Chos!
That afternoon, nagkaron kami ng bisita na Indian from Horsham at ewan ko kung bakit gusto niya kaming bisitahin. Nung mga oras na yun, si ser ang present na Ops leads kaya siya ang nag-entertain sa bwisitor. Tahimik kaming lahat, lalo na ako dahil baka makamusta ako at baka ma nosebleed ako. Pagkaalis ng Indian visitor, umarte si ser na ninosebleed daw siya . Ako naman that time ay nakikipagkulitan sa isa kong kaofficemate dahil sa pica ni Neil Etheridge na pinakita sa akin sa phone. Bigla akong tinawag ng isa sa mga katabi ni ser at sinabing nose bleed daw si ser at kelangan ng mouth to mouth contact. At wala na silang ibang tinawag para gawin yun. Dahil sa medyo natakot ako at kahit biro lang naman yun, inisip ko totoo! Waahahahah! Hindi ko na ginawa ang first thing that came to my mind - pupunasan ko ng kamay ko ang bibig ko at sasabihin ko sana na "game!" pero umiral ang pagkamahiyain ko kaya dineadma ko ang offer at nakikipagkulitan pa rin ako sa nagpakita sa akin ng pica ng Azkals. Hindi kaya nabisto na ang aking sekreto? But alam ko, may next time pa naman. Makakabawi din ako!
Day 194. July 13. Effing Pasaporte
Finally! Ang pinakaaasam ko ay nakuha ko na! July 11 pala ang sked ko at muntik ko nang makalimutan na i-claim 'to. Pagkagaling sa office, dali-dali akong lumipad papuntang DFA at sa sobrang pagmamadali, mali pa ang nasakyan ko. Sa old building ako napunta, imbes na sa may Macapagal. At sobrang tagal ng pinagantay ko sa labas at loob dahil as usual, madaming tao kapag hapon! May lakad din kasi ako bukas kaya hindi ko na puedeng ipagpabukas pa ito.
Next: Visa application naman!
Day 196. July 15. Itlog naman ng Pogi
Hanggang next week daw ang leave ni Delamar, kaya naman si Gino na muna ang partner ni Chico every morning sa The Morning Rush. Totoo nga ang sinabi ni Delle na kahit sino ang i-partner kay Chico, magiging successful ang show. Para silang mga bata na iniwan ng kanilang mga magulang sa sobrang kulet! Ang isa sa mga top 10 nila ay may entry na "Sawa na ako sa itlog ng pugo. Gusto ko naman, itlog ng pogi." Triny lang namin ni ateng na gawing status last night sa FB para maiba lang. Sobrang antok na rin ako kagabi kaya kinabukasan, pag check ko ng aking FB, overwhelming ang response ng mga viewers ko, este ng mga contacts ko dahil pati ang pati na rin ang nakakatanda kong pinsan na lalaki! Pasweet pa naman ang image ko dun!
I am so sure, naging topic na rin ako ng discussion sa office kaya excited na rin ako malaman kung nalaman ba ni ser na naging stat ko yan sa fezbuk dahil never naman niyang chineck ang profile ko.
Day 197. July 16. Bridesmaid
Ewan ko ba, parang wala naman akong kabusugan for today dahil nakuha ko pang lumaps nitong Jolly Spaghetti with chicken for dinner, eh mamaya papasok na ako! Teka, tatry ko muna matulog, baka mamaya puyat-puyat na naman ako.










0 comments:
Post a Comment