August 23. Day 233. Fish Magnet

Some of my officemates went to Bora the last weekend at hindi sila napigilan kahit medyo maulan. There are some that are so nice na kahit hindi ko naman masyado kaclose, nagpadala pa ng pasalubong na fish magnet kahit hindi rin naman ako nagbilin ng pasalubong. Tama na nga ang makita ko ang mga mga pictures na pinost nila at makapag-like sa album dahil hanggang ngayon, nahihiya pa rin akong magcomment. Ayoko naman maparatangan na epal. Ahehe.
At kung akala ko sa lahat ay may pasalubong sila, ultimo sa aming mga bosses, may bukod tangi silang hindi binigyan ng magnet. Kalurkey!
And yes, the short note above it addressed to him. Ba't nasa station ko? Eh ako na kasi ang kumuha ng pakalat-kalat kong pouch! Alangan naman na antayin ko pa si Heartbeat na ibigay sa akin yun, kaya, pinost ko na lang 'to kasama pa ng iba kong post its. I am sure nabasa na niya yan. Puede naman niyang tanggalin. Hindi ko naman hahanapin dahil sa kanya yan.
August 24. Day 234. Juicy

Been staying away from softdrinks for the past few days. Maiba lang, juice naman ang iniinom ko while in the office. Malaki na ang 32 oz size ng Gulp at 7 eleven for 40 php. Nalulunod na ako niyan sa pineapple or orange juice. Sige, aaminin ko, nagpipilit ako muli na magbawas ng timbang dahil sa sobrang tamad ko nitong nakaraang araw, kahit off ko, hindi man lang ako umiikot at nagpapapawis sa circle. I always not feel well everyday (may pinagdadaanan?) No naman. Ang ulan kasi, mas masarap mag marathon ng mga series kesa magpakapagod! Hay! Chos.
August 25. Day 235. Hotpink???
Hindi lang naman ako sa mundong ito ang may hotpink na room na may hotpink na cabinet. Tangina, napabili ako ng Yes mag dahil nakita ko na si Kris ang cover at featured ang kanyang house, which I thought the old unit na may "Gold" furnitures". Bagong kulay at bagong mga gamit ang nilagay sa kanyang baler.
OMG. Ube halaya colored walls at hotpink furnitures, saan ka pa! Sabi ni Tetay, gusto niya daw ng happy colors, kaya hayan! Galit na galit sa colors ang nag design ng kanyang house, hahahaha! At hindi ko kinaya ang presyo ng dalawang unit na ito sa Makati. Kahit hindi na tumama sa lotto si Kris, sapat na ang laki ng kita niya para ma-maintain ang ganitong baler.
August 26. Day 236. Cool Rum and Peach Glow

It's been a while since I used an eye shadow. Wala lang. Hindi ko na kasi trip dahil ang uso ngayon ay eyeliner! Tama na yun pang accent ng eyes. Dahil nakasalamin ko, bagay sa akin ang smokey manaloto eyes para nakikita behind my eyeglasses. (naks) Dahil I go for natural look, I bought theses shades na kapag blinend, nagmumukhang natural color ng eyes. Medyo mahal pa yung sinuggest ng sales lady na kunin kong mga shade, eh meron naman na almost the same shades at a cheaper price. Haha! Akala ko, super laking eyeshadow lang ito, yun pala, mga powder blushes na ito. Hehe.
August 27.Day 237. Sukob na.

Heartbeat is back! I miss him terribly… Hindi naman siya nagbakasyon, pero I miss his pagiging nice and sweet hindi lang sa akin pati na rin sa iba! Since Camsur, hindi ko na yata siya nakita sa kanya ang pagiging thoughtful sa aming mga kaofficemates niya! Afraidy nung nakatikim ako ng slight pang iirap niya, naalala ko lang si Papa Piolo. Pag lunch na rin namin, nauuna siyang matapos dahil eggzoyted siyang maginternet at i-check malamang ang kanyang fezbuk or bumabalik na siya sa loob ng office para mag monitor. Adik much? Eh hindi na kami nakakapag bonding ng aming mga munting chikahan portion.
Maulan. May dala siyang payong. Yung isa naming boss na babae ay pauwi ng walang payong. He insisted na gamitin na niya kahit hindi naman naghiram si ate. Awwwww. Natunaw ako dun dahil sobrang ininsist niya na kunin na ni girl at mukhang hindi siya papayag na uuwi yun ng walang payong. The whole day din, nasa mood si Heartbeat na makipagkwentuhan sa amin sa akin pa siya tumabi ng lunch. Halos akbayan na rin niya ako habang nagkukwentuhan kami! Hindi ko ma eye contact kasi pesteng mga tigyawat to! Parang mga manggang namumutiktik! Anober! Ang shonda ko na, pero massive pa rin sila kung tumubo. Naghihilamos naman ako bago bumorlogs. Dyahe talaga. Kapag gumanda ulit ang mukha ko, makikita ni Heartbeat. Charot.
August 28. Day 238. Bella Swan

This book has been on my custody for 2 or 3 years? It was remained unread until today. Heto ang pina-Xmas gift ko sa akin dahil patay na patay ako sa Twilight. Nasabi ko na bang nainlove ako sa first book na nabasa ko online? I didn't read the second dahil ayoko kay Jacob Black. I've watched Twilight twice sa sinehan. I didn't watch New Moon dahil I don't like Jacob. Sa HBO ko na lang napanood ang Eclipse dahil nakakainis na si Bella at ang pagiging salawahan niya kay Edward. She's so torn between two lovers! Bakit ganun naman si Stephenie, masyado niyang kino-confused ang feelings ni Bella. At parang ginawa niya pang player! Hmmmph. Eh ang Vampire Diaries kahit pinagaagawan ng dalawang bampira yung girl, never naging confused yung girl. Alam niya kung para kaynino ang kanyang pag-ibig.
Dahil ginawang Harry Potter Breaking Dawn (may first part ang movie) inumpisahan ko nang basahin ang book para ma refresh ang mermeri banks ko dahil sa malaman, papanoorin ko na ito on the big screen. Excited? Hindi naman. Mas excited akong matapos ang libro. Ang kapal!
August 29. Day 239. Modem

It's weekend and I cannot believe na may issue sa office at pati sa bahay. Busy ako magbasa at nasa part na ako nang book na ang character na nagkukwento ay si Jacob ng nagtext ang kapatid ko na sira daw ang aming modem at walang innernet. Mamaya-maya lang, may tumawag na taga accounting at kinukwestyon kung bakit hindi pa namin ginagawa ang job na kanyang nirequest. Medyo mainit ang ulo dahil gutom na gutom na ako, eh dun pa nagsidatingan ang mga problema kaya na delay ang aming kain.
Na-escalate na naman ng kapatid ko ang issue ng modem at may pupunta daw na technician sa bahay para palitan ng bago at ako naman ay busy mag escalate ng problema sa office sa pamamagitan ng pagtawag sa mga boss namin US. Nakaka tense at the same time nakaka nosebleed dahil hindi na ako sanay mag calls. Natatakot ako na baka hindi ko maintindihan ang mga instructions na ibibigay sa akin ng mga kano.
On the other hand, natutuwa naman ako kasi full support si Heartbeat. Maya't maya ang tawag niya sa akin para i-check ang aking ginagawa. So kahit naman stressed under pressure, feeling ko, maganda pa rin ako.
Magrereply na ako sa email ng taga accounting ng sinabi ng kasama ko na siya na ang magrereply sabay tanong ng kung anong irereply. Huh? Are you taking the credit against me? Chos. Eh hello, ako ang dapat magreply kasi ako ang nakikipag coordinate sa kanila. Nagcompose na ako ng email ko habang nagko compose na rin siya at nung pinapatingin niya sa akin kung okay na ba raw yung reply niya, sinabi ko na lang na okay na, ako na ang magrereply sabay click ng Send. Style, bulok? Echos.
August 30. Day 240. Viktor Ortega.
Excited na akong i-chika ng bongga kay Heartbeat this morning ang mga naganap kahapon dahil nagtext ako sa kanya na ikukwento ko ng bonggang-bongga ang mga naganap. Pagkadating niya palang, lumapit na ako, baka kasi maunahan pa ako ng isa kong kasama magkwento. Magkaron pa ng dagdag bawas. Ang praning ko di ba? Ahaha!
Napansin ko na 1/4 ng mga gelay sa IT Ops ay rebonded ang hairlalu. Yan na ata ang trend ngayon, papasok ka na bagong rebonded ang hair at isasabay mo sa off mo ang hindi paliligo. Wahaha! Meron pala silang pinupuntahang salon na may murang rebonding services sa may Boni Ave. At ako naman ay napa-research na rin kung okay ba itong Viktor Ortega salon. It turns out na kapag madaming clients, hindi maganda ang result ng session. So far, sa mga buhok ng mga kaofficemates ko, maayos ang pagkakarebonded ng mga buhok nila. Nakakaingget. Magpapagupit na lang ako dahil wala na talaga akong balak ipa-rebond ang hair ko.
Day 241. August 31. Zombadings
I am overwhelmed sa mga invitation ng mga friends ko na i-meet sila. Kelangang kong mag say no sa isang group dahil hindi naman pwedeng dalawang lakad in just one day. Wala rin naman ako masyadong anda para lumayo dahil panigurado, sa MOA ang rampa ng isang group, samantalang ang isa naman ay dito lang sa Trinoma. Siyempre, dito na ako sa malapit.
First time naming mga chat girls to watch a movie.Para maiba naman. Dahil napanood ko na ang Ang Babae sa Septic Tank, I insisted we should watch Zombadings. Hindi na rin naman yata showing sa SM Ang Babae. Kung sa movie ni Uge, ang lakas ng tawa ko, sa Zombadings ang dami kong tawa! Hahahaha! May smooching scene sina Mart Escudero at Kerbie at nagmura si Roderick sa isang scene na may mga batang nanonood! Hindi ko nakita kung rated whut ba ito.
Sana, ipalabas sa sinehan ang mga magagandang indie films dahil bukod sa mura na, nakakatulong pa ang mga pinoy sa pagsalba ng career ng pelikulang Pilipino. Promise ko sa sarili ko, susuportahan ko ang mga pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng pag prioritize na panoorin ang mga tagalog films instead of the foreign ones. At never kong panonoorin ang Tween Academy. Duh.






0 comments:
Post a Comment