September 01. Day 243. Mogu-gustuhan mo 'to!
Ambilis ng panahon. Start na ng BER months! Ibig sabihin, marami na namang gastos at malamang, ubos na naman ang sweldo ko kapag withdraw ko!
Ako'y nangangarap pa rin ng katorse na beywang kaya habang umiiwas sa softdrinks, ako'y nagtatry na muna uminom ng mga fruit juices. I tried this fruit juice Mogu dahil may mga nota, este nata bits! Yum, yum! Burp! Charing. Ang sarap ng may nginunguya while drinking sumfin'. Medyo maasim lang, pero keribels na! Medyo mahalya nga lang for a small bottle. Try mo!
September 02. Day 244. Rubbershoes?
As soon as I got my sweldo, I rush to the mall to scout for the rubbershoes that I want. Inantay ko naman na makapag out ako, bago ako tumungo sa Mega. I am so much excited while looking, pero hindi ko talaga makita ang bet kong style sa WB. Fila is on sale, but I don't like white shoes that much (pero there was a time in my life na feeling ko nurse ako at puro white shoes lang ang binabayla ko). Toby is on sale and as soon as I saw this, I am blown away. Chos. Ten percent off naman, sige na, pagbigyan ko na ang kapritso ko. Naging mabuti naman ako last Aug dahil hindi naman ako nagshopping. :D
September 03. Day 245. Eric Buhain.
I thought hindi na ako makakatanggap ng August issue ng Multisports, anong petsa na? It's already Sept when my issue of Multisport was delivered. I was still in the office when the delivery guy called to inform that my copy will be delivered. I was charging my phone sa aking station at nasa CR pa ako nang makita ko ang 3 missed calls. Thank goodness, walang pakialamero sa office dahil present din si Heartbeat! Eh paano kung may sumagot at narinig ang convo, patay na ako! Buko na ang pagiging stalker ko!
Nung sinagot ko ang tawag, lumabas ako para hindi naman ako marinig. Ayan, iniwan na lang daw sa pintuan namin dahil walang utaw at buti naman, nakapanik siya dahil bukas ang gate. Sad lang dahil wala si Heartbeat sa mag, pero si Eric Buhain naman ang nasa front cover. Oh eh ano ngayon?
September 04. Day 246. Sniff.Sniff.
Kating-kati na (hindi ang aking keps) ako na magpagupit dahil dapat last week pa. Dry na kasi sa dulo, so kelangan na ng trim at dahil mukha na rin akong bruhilda. Bet kasi ni shupatembang na sabay kami, eh tinatamad naman ako umalis, so sa malapit lang sa amin kami nagpagupit.
Babae ang naggupit sa akin last time sa Freshaire at babae ang nagpagupit sa akin this time. But I am not fully satisfied sa aking gupit ngayon. Hindi marunong gumupit ng bangs! Natakot na rin ako na ipaayos pa dahil baka magkanda leche-leche pa, pero after third day, medyo okay na binabrush ko ng bonggacious to the left para masanay. Sa December, mahaba na ulit ito. Pwede na ulit magpagupit.
September 05. Day 247. Repeat performance.
Buti pa ang mga biglaang lakad, natutuloy.
Nagtawag ang punong mahistrado ng meeting today dahil wala lang! Off ng isang kipay at naka-leave naman si Ateng so gorabels na paboritong tambayan, saan pa, kundi sa Mega at wala nang iba! Lahat kami napanood na ang Zombadings, pero dahil sa insistent public clamor, pinanood ulit namin para magetlak ang chant ni Kuya Dick sa pagtatawag ng mga vakler na charoterang isprikitik! Aliw talaga ako sa gay language dahil marami pa akong hindi na getching at parang foreign language na may translation pa sa ibaba ng screen. I enjoyed Ang Babae sa Septic Tank, but I like Zombadings more. Zombadings I na ang title so ibig sabihin, may part II? I can't wait. Konti na lang ang mga tagalog movies na worth panoorin at pagkagastusan. :D
Ang aking dinner ay ang pasweet na sushi. Parang ayoko pa at first dahil sa harapan ko ginawa? Hahaha. Ang arti ko naman. Hindi lang ako sanay na sa harapan ko hinahawakan at nilalamas ang kakainin ko. Bwahaha! Infairness, ang dami kong nalagay na Wasabi kaya ang anghang amp.









0 comments:
Post a Comment