Project 365: Day 253 - 257

September 11. Day 253. KCC @ Seaside.



I met my former officemates once again at Kassel. Once or twice a year lang naman kami mag-meet, kaya looking forward ako sa aming pagkikita. Saan pa ba naman kami lalaps ng bonggang-bongga kundi sa Seaside at Manila bay! Triny naman namin ang package 2: grilled Tuna, Halaan soup, grilled pork chop, Calamares at nilagang hipon. The last time we ate, Php1,350 lang ang price neto pero ngayon, 1,500! Ang mahal na nga naman, eh wala naman masyadong special sa luto nila. Pero nagustuhan ko ang tuna! At nakapag take home pa ako ng buco pandan jelly courtesy ng isa kong kasama.


Habang bonggang nagpipictorial sa tabi ng bay, hindi ko akalain na natagusan na pala ako! First day ko pa naman at hindi pa dark ang pants na suot ko. Sobrang dyahe, kinailangan ko pa maghugas at magpatuyo para hindi naman nakakahiya maglakad-lakad. Ang tanda-tanda ko na, tinatagusan pa ako!


September 12. Day 254. Asymmetric cut



Medyo humahaba na ang aking hair. Lalo na ang aking bangs. At araw-araw akong nireremind na hindi talaga pantay-pantay at hindi maayos ang pagkaka gupit ng aking buhok. Uso pa ba ang buntot at nilagyan ako? Di bale, by December, mahaba na naman ito at puede nang ipaayos. And I swear! Hinding-hindi na ako magpapagupit ulit dito sa amin kung ayaw kong ma-murder ang aking hair!



September 13. Day 255.



Ang superbowl ng mga beki ay ang Ms. Universe at isa ako sa mga nagaabang sa event. Dapat mag-aabsent ako ngayon, kaya lang marami nang umabsent sa amin at mga lalake pa! Confirmed! Hahaha! Chos. 9am ang start ng pageant at start pa lang din yan ng aming 9am job, kaya pagkatapos na pagkatapos eh kumaripas na ako ng takbo sa pantry para manood at tinapos ko talaga bago bumalik sa work. Nagtext naman ako kay Heartbeat na just incase hanapin niya ako, nanonood lang ako. Akala ko, konti lang kaming may bet sa beauty pageant, madami din pala, pati mga boylet! Nanood din pala sina Heartbeat dahil halos sabay-sabay kaming bumalik sa loob ng office pagkatapos ng palabas. Confirmed ba rin siya?




September 14. Day 256. Xtian Dayyy!






Nasabi ko na bang lapitin ako ng mga beki? Mukha kasi siguro akong ate nila kaya sila mismo ang lumalapit para magpa cute sa akin. Teka, mukha ba akong lalake? Duh. When I was just starting as an IT Ops, isa si Xtian sa kumakausap sa akin. For 2 hours lang naman kami nagkakasama, dahil by 5pm, out na sila. Bentang-benta sa kanila ang salitang "aunteh" na siya ko namang na-adapt from Cherryfer (thanks so much, aunteh!) kaya yan na ang aming tawagan to each and every one of us.


It was his last day, kaya medyo may palaps na naman sa office. Nasabi ko bang may boylet dati na nagbigay sa akin ng 1.5mL na Pepsi sa office nang malaman niyang gusto ko bumili ng softdrinks at dapat lalabas pa ako? Hindi ko na makalimutan si boylet ebersins at wala na sigurong magta-top nang ibigay din sa akin ang 1.5mL na Coke ni Xtian. Lilipat na siya ng bagong work, with blessing naman ito ng aming mga bosses at nakapag abiso naman siya.


Habang kumakain ako sa side nila, hindi ko alam na pinapalitan na pala nila ang wallpaper ng Desktop ko na iniwan ko pansamantala. Alam nilang takot ako sa mumu. Kaya excited sila sa pagbalik ko at magiging reaction ko kapag nakita ko. Ang kaso, nakaopen lahat ng window ko at hindi ako mapunta-punta sa Desktop. Hindi ko alam na may nakaready na pala mag video sa akin at lumapit pa ang isa kong boss dahil inip na inip na sila na matakot ako. Hangga't sa may hindi na nakatiis, may nagsabi na tignan ko daw kung ano ang meron sa wallpaper ko. Putek! Removing the wallpaper was the toughest obstacle I'd overcome in my entire life. Charizard! Nakapikit ako habang nagpapalit ng wallpaper.


September 15. Day 257. Spartacus.





Bago may off, naging topic namin nina Heartbeat si Andy Whitfield, aka Spartacus. Sa kasamaang palad, tuluyan na siyang binawian ng buhay nung Sept. 12, due to non-Hodgkin lymphoma or cancer sa white blood cells. Akala ko talaga tuluyan nang gagaling si Andy, nakaka-sad. Hindi pa kasi napapanood ni Heartbeat ang Spartacus na tamang-tama, my favorite series. Edi siyempre ako ang bangkero sa aming kwentuhan at tamang-tama, kabibili ko lang ng blank cds kaya sinabi ko na na ipagbe-burn ko siya. Tinanong niya kung anong size daw series para ipapahiram niya na lang sa akin ang kanyang USB. Sabi ko sa kanya, iche-check ko muna, at sinabi niya rin na titignan niya daw kung meron sa Guada kaya huwag na daw ako magabala. Aba, pagkakataon ko na na maabala, tatanggi pa ba ako! Of course not! Sa loob ng dalawang araw na off ko, pinagisipan kong mabuti kung magtetext ba ako na kasya sa blank CD at willing naman talaga ako magabala para sa kanya. Pero pinigilan ko rin ang sarili ko. Inisip ko na lang na ipagbe-burn ko siya, pero kung nakabili na siya, edi okay lang. Gash! Bahala na!


Pinasulat ko pa yan sa kapatid ko para maganda at ampness, nakuha pa akong asarin. Alam niyang kay Heartbeat ko ibibigay kasi siya pa ang pinagsulat ko! Speechless naman ang beauty ko kesa sa maasar pa ako. Wahahaha.


Nung naibigay ko na ang CD, nakita ko naman sa fez niya ang galak at mukhang excited na rin siyang mag marathon.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment