October 16. Day 288. It's the outfit.

Mahaba ang pila sa Goldilocks at simpleng butter puto lang naman ang aking bibilhin pasalubong sa mga panget na dumating sa baler. Isa ito sa dalawang outfit na nabayla namin ni Nat noong kami ay nag UK. Mukhang pang donya ang style dahil medyo malaki at medyo mainit kaya advisable na suotin kapag malamig ang panahon. Masunurin akong citizen ng Pilipinas kong mahal, pero slight na nagmaganda ako ng hindi ako pumila at super tanong lang ako sa crew kung magkano ang puto na naka-display. Aba, hindi na ako pumila at tinake na niya ang order ko kahit nasa kabilang side ako at may pila sa kabilang side niya. It must be the top. Puro stars. Alam ko na kung ano ang isusuot ko para magmukha akong mamahalin.
October 17. Day 287. Chismis.
Eversince na naging alas tres ang pasok ko sa opisina, nasira na ang aking body clock at sleeping habits. Ang mga oras na dapat tulog ako, gising ako and vice versa. At dahil jan, ang flawless kong face nung summer ay namugaran ng mga sandamakmak na chismis na sa sobrang dami, I lost count. Depressing talaga, akala ko naman tapos na ako sa pagdadalaga, pero dumadami na naman sila. At bumabawi naman ako ng tulog dahil 14 hours akong natutulog kapag off ko na. Sana maka recover ako.
Buti na lang may available na single slice ng Yellow cab dahil medyo mahal kapag isang buo ang bibilin ko, but medyo may kamaharlikahan. 75 peysos. Buti pa ang sa Pizza hut, 55, dalawang slices. Ang hirap kapag natitipid ka.
October 18. Day 289. Sweetness overload.

I am just told na may sked ako ng 10pm ng gabi ng 23 dahil sa crucial job at kailangang may ma-train for it. Narinig ko rin ang diskusyunan ng aking mga boss (including Sir Rej) at ako ang mapalad na napili nila samantalang nandun naman yung kapareho ko nang shift na pwede namang first choice nila (first choice talaga!) Okay lang naman sa akin ito dahil excited ako na ma-experience ang night shift dahil lagi akong pang madaling morning shift. At excited rin ako dahil diretso off na yun so parang mag double shift lang ako dahil uuwi ako ng chuwelve ng tanghali ng Monday at papasok ako ng 10pm.
Sa dami ng halo-halong chocolate na bigay ng mga estudyante ng kapatid ko, hindi namin naubos ng isang kainan lang. It's a mixed of Nips, M&Ms, marshmallows at hindi ko na ma recognize ang iba pa. Sayang, umuwi na ang mga bagets at mukhang hindi na aabot ito sa kanila.
October 19. Day 290. Shopping!
Mga chipipay lang naman yan dahil imbes na dress ang aking bilhin para sa nalalapit na kasal ng aking cuz, kung anetch-anetch ang akin nabili. May nakita akong fink na top na pwede ko namang isuot dahil fink and brown ang theme. At medyo wala ako sa tip top shape para magfit in to a dress. I know na may mahahanap ako na disenteng dress for a 400 budget, pero na-carried away sa sidetrip na ginawa ko kaya kung anetch-anetch na lang ang binili ko.
October 20. Day 291. Hoarder.
Naisip ko lang na ipunin ulit ang mga ticket ng bus nang April na nastart ako sa Taguig. Nagulat ako na sobrang dami na pala ng ticket, pwede na akong bumili ng isang bus at i-issue ang mga ticket na ito sa isang buong araw na biyahe. Chos. At dahil diyan, tinapon ko na lahat habang nagpapakadik na naman ako maglaro ng GoT at CoW kaya ang dami-dami ko na namang chismis sa fez!








0 comments:
Post a Comment