Day 292. October 21. Longboard.
Excited akong makabili ng issue ng Yes dahil sa wakas, ipapakita na ni Juday ang mga pictures ni Lucho na kanyang pinakatatago-tago! Taktika na rin niya yan para tumaas ang market value ng kanyang baby at kapag lumabas ang mga pictures, papatusin ng mga tao dahil sa interesado makita ang pictures ng baby niya. Na siya nga namang ginawa ko!
Parang si Bimby lang si Baby Lucho sa akin, hindi pa masyadong nagsink in kasi hindi pa masyadong cute but sooner or later, magiging super cute din naman yang mga yan lalo na kapag lumaki na sila.
Speaking of longboard, yan ang aming topic over the pantry while we are having our lunch. As usual, dalawang boys ang kasama ko, siyempre nandun na si Ser Rej kaya boys talk sila at ako ang epal much. Kunwari na lang na interested ako para makarelate ako sa kanilang usapan at makadaldal na rin ako kahit hindi ko bet ang kanilang topic. Medyo mamimiss ko si Ser kasi off na naman niya bukas.
Day 293. October 22. Pers taym ko!
So today is the wedding day of my cousin, kuya Ron sa kanyang girlfriend. Isang tumbling lang naman dito sa amin ang church and reception kaya kahit galing ako ng office, okay lang na ma-haggard. Hindi naman ako kasama sa entourage, so keri lang naman!
Ewan ko ba kung sino ang nagpauso ng tossing of the bouquet, pero hindi ba napapansin sa lahat ng wedding na iniiwasan yan ng lahat na single na girls? Eh kasi, after that, alam na ang kasunod, ang paglalagay ng garter sa hita. Siyempre, sa katulad kong birhen pa na hindi pa naiispoiled, conservative ako at ayokong may hahawak sa malalaki kong hita!
Lagi naman akong sinuswerte sa mga ganyan dahil hindi ako napipili. But this time, luck is not with me. Imbes na i-toss ang bouquet, ribbons naman in two colors (pink for the girls, brown for the boys) which we're going to pull at ang magka connect ang dulo, eh sila ang pair. Pinagparay ko pa naman na sana swertihin ako at pagka hila ko ng pink kong ribbon, naka connect ang dulo sa ribbon ng boylet na humila ng brown color! Kamusta naman ang pagmamaganda ko dahil kahit anong pilit ng mga pinsan ko, hindi talaga ako pumunta ng stage para magpalagay ng garter sa binti! Alam ko na ang iniisip sa akin ng partido ng boylet na hindi naman ako kagandahan, pero kung maginarte ako, dinaig ko pa ang mga beauty queen, but my gosh! Ayoko talaga dahil sa dahilan na hindi ako nakapag shave ng binti at ang haba na ng balahibo ko na kulot-kulot pa! Hahaha!
Day 294. October 23. Basag.

I am supposed to be on leave today, kaya lang dahil may hinabilin na trabaho kaya pumasok na rin ako at ang boss ko pa ang nag advised sa akin na matulog na lang ako sa office. Hindi naman buong araw akong tulog. Nakuha ko pa ngang magdala ng magazines para magbasa at nakatutok lang ako sa computer para mag level up dahil wala pa naman kaming masyadong gagawin today.
Dinala ko ang give away sa wedding, cupcake. Kasama siguro sa package ng Patio Ibarra. Tamang-tama, mag breakfast na ako, kasabay ng malamig na softdrinks. May mga ilang gabi na rin akong basag kung di dahil sa paglalaro, sirang-sira ang sleeping habits ko dahil gising ako ng maghapon.
Day 295. October 24. Double shift.
Super cute ng top na ito from SM at super mura pa (199 only) kaya binili ko na at sinuot ko for today para makita ako ni Ser na super cute! Joke! Parang halos nag double shift ako dahil may pasok ako ng 3am-12 noon at pumasok pa ako ng 10pm para sa aking training sa isang month end job. Kaya haggard na haggard na ang look ko the past few days, kaya kelangang bumawi sa pinopormahan ko! Hahaha!
Nakausap ko pa si Ser kaninang umaga dahil medyo mangiyak-ngiyak ako sa isa naming trabaho dahil napagalitan ako ng boss ko sa ibang bansa na ka-chat ko at ramdam na ramdam ko ang galit sa akin. Nang matapos ang unos, may smiley na ang message sa akin ni boss, mukhang napatawad na niya. Masaya pa si Ser nung nireport ko sa kanya ang mga nangyari kaya nagulat ako, hindi pala siya makakapasok for tonight dahil may nangyari na naman sa kanilang apartment. Nanakawan ulit sila.
Day 296. October 25. Repost.

Hindi ko na makalkal yung last post ko na nasalisihan sina Ser ng isang laptop habang naliligo siya, pero ang dahilan kaya hindi siya nakapasok dahil nakuha ang kanyang bike plus ilang gamit sa pagtakbo plus ang dlsr niya. Okay lang naman na irepost ko ito dito kasi marami rin kaming nagrepost ng picture niyang ito sa fezbuk. For some reasons, hindi nga lang ma view ng friends ko kasi naka private ang wall niya.
Naalala ko pa na buhay niya daw ang bike niya at gusto nilang magpain ng ka roomate niya para mahuli ang salarin at mabalatan nila ng buhay.
Umuwi sila ng kanilang bahay-bahay, kaya walang tao sa kanilang apartment nung weekend. Paguwi niya ng Monday afternoon, wala na ang bike niya, sinira ang padlock, pati ang double lock ng kanilang pintuan. Their room is a big mess. Nawawala ang kanyang garmin, amphipod at isang pair ng rubbershoes ng kanyang roomate. Kaya sa sobrang depressed, hindi siya nakapasok ngayon. Kailangan ko pa naman umuwi ng maaga dahil hanggang 7am lang ang time ko. I feel so bad for them kasi simula ng magkaron ng massage parlor sa kanilang apartment, sunud sunod na ang nakawan.







0 comments:
Post a Comment