Project 365: Day 297 - 302

Day 297. October 26. Bea, not Binene.




So far, I only have two issues of Star Studio Mag and both have Bea as the cover! Isa pala akong fan, ngayon ko lang nalaman! First issue na binili ko ay Betty La Fea days at ngayon na lang ulit ako naengganyo na bumili dahil bet kong makita ang mga pica nila ni Zanjoe. Bea's looking great, ngayong inlove siya! Halos naniwala ako na tibashki ang hitad na ito dahil hindi naman siya palaamin sa mga nakakarelasyon niya. Masyado lang sigurong private ang batang ito kaya hindi niya kinukwento ang lablayp niya, so why now? Why not? Mukhang happy naman siya at sana tumagal sila. Bea is one disenteng aktres and not rushing on having a bf, so wala namang mga chismis sa kanya na nagpapalaglag siya, I hope wag naman. I think she's just waiting for the right guy to come no matter how long it will take. Maganda pa naman ang career niya, di naman kailangang magmadali.


Day 298. October 27. ASOIAF: Book 5.


I've been eyeing this book for several days on different bookstores. Nope, I didn't buy it (yet) dahil wala pang sweldo at saka mahal pa ito. Hard copy pa lang ang available at 999 pesos. If I really want it, I can save some money para mabili ko, but not now. I still do not have Book 2 at priority ko yun ngayon, kesehodang wala na kaming kainin sa bahay, mabili ko lang ang libro! Hahaha! Lately rin, I do not have time to bond with my books sa sobrang dami ng ginagawa (read: maglaro ng games online at mag DL ng fave series ko) kaya naman naiipon na ang aking my preciousesuses....) I don't know if I can still wait for paperback copy. I'll think about it.



Day 299. October 28. Fourth Copy.



I got my 4th copy of my Multisport mag at hindi na rin naman ako ganun ka excited na buklatin at silipin kung na feature ba ang iniirog ko, dahil if ever man, ipagmamayabang niya na yun sa amin. At laging kasama sa request ko ang May 2011 copy dahil dun nga siya nafeature na hanggang ngayon, hindi pa dumadating. Kainezzzz! Kaya nga ang ako nagsubscribed weh! Yun ang ayaw pa i-deliver! Kung padalhan man nila ako ng isang copy na featured siya, baka magrenew ako ng subscription. Anyway, next yeat pa naman mag expire yun.


Day 300. October 29. NCO Family Day. (and our 2nd picture op)


Meron nang first picture kasama ko si Heartbeat at kasama ang iba pa. Hindi ko pa nagagrab dahil hindi pa kami friend nung nagupload. So, this makes our second official picture with each other and one other! Haha! Ayoko namang sabihing "O picturan mo naman kami ni Ser Rej!" Baka ma misinterpret! Magka issue pa kahit ako lang ang gumagawa ng issue sa amin.

It's NCO's family day at Halloween celebration kaya maraming bisitang mga bagets para mag trick or treat! Ang aming department (IT Ops) ang isa sa mga mag distribute ng mga loot bags sa mga tsikiting. I was about to go home when there he was standing in front of me, I said "Hi. I got at little place nearby. Wanna go?" Chos.

At maraming salamat sa pangyayaring ites, mula sa natutulog sa pansitan naming relasyon ni Ser ay lumevel up ang aming pagtitinginan! Wahahaha! Super nag feeling close naman siya at feeling niya, okay lang sa akin ang pagdidikit niya ng balikat niya at minsang pagpisil-pisil sa aking braso while watching the program at sakto, magic ang kasalukuyang pine-present! Kailangan daw ng "tito" ng magician para sa susunod niyang magic kaya binuyo namin siya na magparticipate. Siyempre, hindi siya sumali, ang lakilang ng hiya niya! Looking forward na ako sa iba pang event sa opisina na kami ang magkakasama.


Day 301. October 30. Sad day.



A fellow officemate passed away due to cancer. I am not close with the person, but sila Ser ay matagal nang magkaibigan since matagal na silang magkasama sa office. Malungkot si Ser dahil nawala ang bike niya, pero mukhang narealize niya yung ibang tao ay mas matindi ang pagluluksa at mas malalim compared to him.

Pansin ko lang, pareho kami ng color ng shirt (brown) and the rest are wearing black. Nagtaka lang ako, may naka yellow at mukhang pam-beach ang suot niya! Sabagay, ang color yellow at sinusuot nung unang panahon kapag may namatay. Pero iba na ngayon di ba?

I never eat food at wake, kaya nagulat ako ng lahat ng kasama ko ay kumain. Hindi naman birthday yung pinuntahan namin. Ang awkward lang, kakain kami ng may nakaburol, pero hindi na naman yung katawan. Ashes na nakalagay sa urn at naka display na lang sa altar. Halos ipagduldulan na sa akin ni Ser yung plato para lumafang, pero hindi pa rin ako kumain. Nung may hinain na butong kalabasa, kumain ako.

Day 302. October 31. Goodies.



Puyat at wasak pa ako from yesterday dahil alas 8 na ng gabi kami umuwi. Alas 9 naman ako natulog at nagising ako ng chuwelve. Buti at marami pang natirang loot bag nung isang araw kaya nakatikim pa ako ng mga chipipay na laman na pinabigay sa mga bagets.

Akala ko, makakatulog din ako sa office coz it's a weekend but may pending jobs sa 1st shift ang sa amin dumating, kaya imbes na petiks, busy ang aming mga beauty.

Pagdating ko sa baler, bumorlogs ako agad dahil sa sobrang pagoda.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment